A.
Mga Alintuntunin sa Palihan
Mahalagang elemento ng pag- aaral ang disiplina. Tumutulong
ito upang maging kaaya – aya, ligtas at makamit ang mga layunin ng pagsasanay.
Isinaalang – alang ito sa lahat ng pagkakataon upang bigyang halaga ng bawat
isa at maging matagumpay ang palihan.
1.
Tiyakin ang pagdalo (attendance) sa buona
panahon ng palihan. Napakainam na lahat nh sesyon ay madaluhan sapagkat araw-
araw ay iba’t – iba at sumusulong (accelerating) ang mga pagsasanay. Kung
talagang di maiwasan ang pagliban, ipaabot na maaga ang pagpaalam kung
kakayanin.
2.
Kaugnay ng pagdalo ang pagiging maagap
(punctuality). Dumalo sa lugar palihanilang minuto bago ang takdang oras ng
pagsisimula ng sesyon. Magandang pagkakataon ito upang makapaghanda ng sarili o
iba pang bagay (halimbawa: pagsuot ng damit pansan paglilinis ng lugar).
3.
Magsuot ng wastong dami pansanay sa bawat sesyon
ng palihan. Mainam ang T- shirt at
jogging pants. Magdala rin ng dagdag na pamalit at tuwalya o anumang pamunas ng
pawis.
4.
Alisin ang lahat ng alahas o anumang aksesorya
na maaaring makasagabal sa pagsasanay o makasakit sa kasama, kundiman masira.
5.
Tiyaking may malapit na inuman ng tubig.
6.
Magpaalam sa tagapagdaloy (facilitator) kung
lalabas o may gagawin na labas sa pormal na sesyon nmg palihan.
7.
Tiyakin ang kalinisan at kaayusan ng mga gamit
sa lugar – palihan bago at matapos ang bawat sesyon.
B.
PAGPAPAKILALA
Kaiba sa simple at pormal na pagpapakilala
ng mga halimbawa’y sa isang symposium/porum, ang pagpapakilala sa palihan ay
maaaring gawin sa paraang masigla, palaro at mapanlikha. Bukod sa pagsasabi ng
mga pangalan, layunin ng mga tampok sa katangian /aktitud (negatibo at
positibo) ng bawat kalahok, mapalagay at magtiwala sa sarili at sa kasama na
isang mahalagang elemento ng lahat ng pagsasanay ng dadaanan sa buong panahon
ng palihan.
Pagsasanay 1: “SIYA SI… AKO SI… “
Proseso:
1.
Bumuo ng isang malaking bilog ng 10 – 12
kalahok. Kung higit dito ang bilang estudyante, maaring hatiin sa 2-3 grupo.
Tiyakin lamang na may isang tagapagdaloy sa bawat grupo. Ang pagitan ng bawat
tao sa bilog ay kinakailangang bukas (open space) para sa malaking kilos.
Pakanan o pakaliwa ng bilog ang bawat isa ay magpapakilala ng kanyang
pangalan at magsasabi ng isang katangian ng kanyang ikikilos. Sa simula ay
maaring magpakita ng hiya o pag- aalinlangan ang mga estudyante kaya’t
mungkahing simulan ito ng tagapagdaloy.
Halimbawa : (sa tinig na malakas) “Ako si Pedro” ako ay masayahin (habang
nagmumuwestrang humahalaklak, tumatalon at kumakampay ang kamay na parang
pantomina) “ hikayating lakihan ang kilos. Hindi kinakailangang realistiko sa
panimulang yugtong ito.
2.
Simulan ang pagpapakilala. Ang bawat kalahok ay
kinakailangang ulitin ang pagpapakilala mula sa unang estudyante mga kasunod
hanggang umabot sa kanya.
Halimbawa:
Estudyante 1: “Ako si Pedro ako ay masayahin”
Estudyante
2: “Siya si Pedrong masayahin (nakahalukipkip, tingin ng tingin sa relo habang
kumakamot sa ulo nakasimangot at
kaunting lakad sa kaliwa’t kanan). “
Estudyante 3: “ Siya si pedrong masayahin (gayahin ang
kilos) siya si Juan mainipin (gayahin ang kilos), ako
si Maria, ako ay mahilig
umawit (maaaring pa ng may hawak na gitara at umaawit) “
3.
Dahil sa totoong madali lang ang magiging
partisipasyon ng mga naunang estudyante at upang tiyaking
naka- pukos ang lahat sa ginagawa, maaaring ipaulit kay estudyante 1-4 ang kahat ng mga
pakilos at kilos.
Pagsasanay 2: “ ANG SIMBOLO”
Proseso:
1.
Ang pokus ng pagsasanay ay ipakita ang tatlong
magkasanib ng katangian ng
pagpapahayag (communication) na ginagamit sa sining
antas ng paningin, ang awditoryo o antas ng paddinig at ang
pandama.
Kakailanganin ng malinis na bond paper bawat estudytante at mga colored
pens (crayola)
na sapat lamang ang bilang upang hikayatin ang pagbabahaginan ng pagkamit. Kailangan
ang pins. Bawat isa ay kinakailangang gumuhit ng isang bagay o maaaring
hayop na kumakatawan sa kanyang sarili at kaugnayan niya sa lipunan. Hikayatin
ang kumpletong katahimiikan at pukos sa sariling gawain. Matapos ang
pagguhit, idikit sa harap ng t-shirt ang bond paper.
Level #1: Makihalubilo sa bawat kasama, subalit sa bond paper lamang muna
namamatyag. Kumpletong katahimikan . iwasan muna ang eye contact.
Level #2: Ipagpagpatuloy ang pakikihalubilo habang ngayo’y may eye
contact na at pinag –aaralan pa rin ang mga dibuho sa papel ng bawat kasama.
Kumpletong katahimikan.
Level #3: ipagpatuloy ang level #2 at hikayating mag-usap ang nga
estudyante. Hindi n,kinakailangang
pares-pares ang pag-uusap. Maaaring tatlo o kahit mas malaking grupo. Maari din
namang magpalipat- lipat ng kausap.
Tumawag ng kalatas (company call) at talakayin ang pagsasanay. Ano ang
maramdaman sa bawat antas ng pagsasanay? Anu –ano ang mga nalaman sa
kasama, sa bawat antas? Anong antas ang higit na naibigan at naging komportable ang mga kasama? Mahalaga. Talakayin ang
tungkulin ng cultural worker sa lipunan
.
TALAKAYAN
Ang kahalagahan ng mahusay at maka-sining na paggamit sa katangian sa
pamamahayag (communicative character) ng dulaan at ugnayan nito. Ang lahat ng
ating makikita mula sa nababasang script o dula, kulay ng mga ilaw, kasuotan,
make-up, malalaking stage sets hanggang sa kaliit-liitang hand props, ang mga
tauhan at kilos ng kanilang katawan; ang lahat ng ating naririnig mula sa mga
diyalogo ng nagsisiganap, background music hanggang sa kaliit-liitang sounds
effects, ang lahat ng ating nararamdaman sa dula, ang saya’t pagdiriwang ng
tagumpay, ang ang humihiwang hinagpis ng ng pagkabigo, ang naglalagablab ba
daluyong ng pagbabalikwas, ang lagim ng itinatarak na punyal ng panunupil at
pananakop … ang lahat ng ito ay kinakailangang humabi ng isang kabuuan at
makita, madinig at maramdaman hindi lamang ng mga nagsisiganap kundi lalo’t
higit ng mga manood.
Bigyang diin ang pangangailangag maging mapag-bahagi ang lahat ng kalahok
bilang mahalagang sangkap ng
pagpapahayag at ito’y maasahang isasapraktika hindi lamang sa buong panahon ng palihan kundi maging sa mga
ilulunsad na produksyong pandulaan.
C.
PAGTALAKAY SA MGA INAASAHAN
Layunin ng
bahaging ito ang paglalahad at pagtalakay sa mga maasahan ng lahat ng kalahok ,
estudyante’t tagapagdaloy sa palihan, upang makita ang antas na kayang tugunan.
Isulat sa pisara
ang mga sumusunod na tanong.
a.
Ano ang inaasahang matutunan sa palihan?
b.
Ano ang maasahan sa mga kasama?
c.
Ano mga inaasahan sa mga tapagdaloy?
d.
Ano ang maaasahang maibabahagi sa palihan?
e.
Ano ang mga limitasyong maaaring makaapel to sa
daloy ng palihan (karamdaman ,oras etc.)
Note: Kailangan ng mga manila paper at pentel pens o anumang
panulat.
Proseso:
1.
Hatiin sa 2-3 grupo ang mga kalahok. Magtalaga
ng isang tagapagdaloy at tagapagtala ng bawat grupo. Talakayin ang mga tanong
at likumin ang sagot ng bawat isa. Sikaping i-synthesize ang mga ito at bumuo
ng kolektibong sagot sa mga tanong. Idikit sa dingding ang mga papel ng bawat
grupo. Ang presentasyon na inaasahan ng bawat grupo ay sa pamamagitan ng
pagtatanghal, sa halip na pormal na paglalahad. Hikayating gumamit ng
ibat-ibang porma ng sining (awit, tula, maikling dula, sayaw, biswal). Maaaring
isang pagtatanghal sa bawat tanong (hal: awit sa tanong 1, tula sa tanong
2,etc.) o maaaring isang buong pagtatanghal na humahabi sa lahat ng katanungan. Kung gagamit ng
props, hikayating maging mapanlikha sa paggamit ng mga bagay na nakikita sa
loob ng lugar ng palihan. Piliin ang random ang pagtatanghal ng mga grupo.
Himuking manood at magmasid ang mga grupong naghihintay na kanilang bilang.
Upang makuha ang tiwala at partisipasyon ng mga estudyante, iminumungkahing gawin
din ng mga tagapagdaloy at ang lahat ay kolektibong tumutuklas at nag-aaaral.
Gayumpaman, mungkahing matapos ang lahat ng grupo, upang hindi ikumpara ang
kanilang patatanghal at maiwasan ang hiya. Pagkakataon dinito upang ipamalas
ang displina ng aktwal na pagtatanghal.
2.
Talakayin ang papel at ilahad ang antas na
kayang tuguman sa inaasahan.
D.
MGA TERMINONG GINAGAMITSA TEATRO
May tiyak na katagang ginigamit sa
palihan na nagsisilbing mga instruksyon o direksyon. Aang mga salitang ito’y
tumutulong upang higit na mapadali at mapahusay ang paglulunsad ng pagsasanay.
Talakayin at magbigay ng mga halimbawang sitwasyong pinagagamitan ng mga
salitang ito.
Pokus/sentro (focus/centrlize)- ang
ibig sabihin nito ay makinig sa sino mang nagsasalita o nagpapahayag ,
estudyante man o tagapagdaloy.
Concentrate – pagbibigay tuon sa
isang bagay o anumang sesyon, maging seryoso sa ginagawa at ituon ang sarili
nito.
·
Umalalay (support) – ginagamit ito bilang
paalala sa pagpapahalaga sa kasama, aksyon o pagsasanay na nagaganap at
pagsasaalang-alang sa kolektibong katangian ng pagtatanghal.
·
Magbahagi (share/project)- ilakas ang tinig o
gamitin ang theater voice.
·
Telon (curtain) – ginagamit ito sa pasisimula o
pagwawakas ng isang aksyon, pagtatanghal o pagsasanay
·
Tigil (cut) – ginigamit din ito sa pagwawakas ng
aksyon, pagtatanghal o pagsasanay
·
Hinto (freeze) – kapag narinig ang katagang ito
sa gitna na isang pagsasanay o pagtatanghal , mangangahulugan ito ng paghinto
ng anumang kasalukuyang aksyon, posisyon o ekspresyon nang hingi binabago ang
pormang inabotan ng salita
·
Tbleau – isang grupo ng mga kahitongg (freeze)
posisyon na hinabi sa isang magkakaugnay na kabuuan
·
Humanda (stand-by) – sinasabi ito bago ang
“telo” na ang ibag sabihin ay nakahanda na ang aktor at mga bagay na kanyang
gagamitin sapagkat anomang sandali’y magsisimula na ang pagtatanghal o aksyon
·
Entablado/tanghalan (stage) – anumang lugar na
may takdang perimetro at kung saan may nagaganap na pagtatanghal o aksyon
·
On-stage – pumasok sa loob ng tanghalan
·
Off-satge –lumabas sa erya ng tanghalan
·
Ibahin (change attack) –ibag sabihin baguhin o
humanap ng alternatibong paraan ng pagganap o pagsasagawa ng aksyon
·
Pauniarin(explore) – ibig sabihi’y isulong ang
kasalukuyang nagaganap na aksyon
·
Kalatas (company call) – tinatawag ang
kapulungan dahil may mahalagang anunsyo o pag-uusapan; kalimitan itong
ginagamit matapos ang isang pagsasanay upang magbigay ng obserbasyon at puna, o
bago ang pagtatanghal para sa mga paalala.
E.
PAGBIGKIS AT PAGTITIWALA SA ISA’T – ISA
Pagsasanay 1: “KASAMA… KUNG AKO’Y BUMAGSAK”
Kailangan: mga maliliit na stool/mesa,
piringsa mata
Proseso:
1.
Kung malaki ang bilang maaaring batiin sa 8-10
tao bawat grupo. Humanap ng isang volunteer. Piringan ang mata atpaikutin sa
lugar ng makatlong ulit. Palakarin ng pakaliwa habang ginagabayan at
pagtulungan ipatong sa mesa o stool.
Maingat at tahimikna iporma ang ibang kasama sa likod ng volunteer. Dalawang
hanay sa magkaharap ang mga estudyante, maka- mime position at naka “scout
catch” positon ang mga bisig. Tiyaking dikit balikat ang pagitan ng tao sa
bawat linya samantalang ang pagitan sa bawat makaharap ay sapat ang lawak upang
masalo ang volunteer habang iniiwasang tamaan ang ulo ng mga kasamang sasalo.
Sabihin sa volunteer na ipa-krus ang mga bisig sa dibdib. Sa bilang ng tatlo,
hahayaan ang volunteer na bumagsak ang kanyang katawan patalikod. Kailangang
tuwid ang bagsak at mahigpit itong ipaalala sa volunteer. Tiyak na may
magaalinlangan sa simula. Maaaring tapos na ang bilang ng tatlo ay hindi pa
bumabagsak ang isang volunteer. Ulitin ang pagbagsak hanggang mawala ang pag-
aalinlangan habang tinitiyak ang kaligtasan sa pagsalo. Kumuha ng iba pang
volunteer.
2.
Isang bersyon nito ang tinatawag na pendulum.
Kung malaki ang bilang maaaring gawin ito kasabay ng naunang bersyon sa itaas.
Kumuha ng tatlong (K) samantalang nakatayo sa gitna nila ang ikalawang
estudyante (B), naka- piring at naka krus ang bisig sa dibdib. Ang pagitan ng
bawat isa ay kinakailangang sapat lamang upang madaling masalo at ligtas ang
tao sa gitna. Katulad ng pendulum ipapasa si B sa pagitan ni A at K habang
tinutupad ang mga paalala sa unang bersyon ng pagsasanay. Magpalitan ng tao sa
gitna kapag nakitang nagtitiwala na si b sa mga kasama. Sumangguni sa larawan
bilang 1 at 2.
Pagsasanay 2: :”HALINA KASAMA.. TAYO’Y MAGLAKBAY”
Kailangang: piring sa mata; mga silya, kahon, lamesa o kahit anong
maaaring maging harang (obstacle)
Proseso:
1.
Hatiin sa pares ang grupo. A at B.
talakayin ang nga sumusunod na
instruksyon. Tapik sa likod (lakad pasulong), sa kaliwang balikat (sa kaliwa at
lakad pasulong), sa kanang balikat (harap sa kanan at lakad pasulong) sa
noo(harap sa likod at lakad pasulong), sa ulob (tigil/hinto).
Ipiring ang mata ni A. Si B ang magsisilbing giya. Sa katagang
“telon” simulan ang
paglalakbay. Tungkulin ni B na gawing malinaw ang tapik, gabayan si A at huwag
hayaang mabunggo o masaktan. Tungkulin ni a na huwag mag- alinlangan sa gabay
ni B. sakupin ang buong espasyong entablado sa paglalakbay. Kapag nakikita na
ang tiwala, magpalit ng tungkulin si B naman ang nakapiring at si A naman ang
gagabay. Kailangan ng kumpletong katahimikan at konsentrasyon sa pagsasanay na
ito. Isang bersyon ng pagsasanay ang opaglalagay ng mga harang (obstacle) sa
entablado habang isinasagawa ang proseso sa unang bersyon. Hinihikayat nito ang
higit ba pagtitiwala at gabay sa isa’t- isa. Maglunsad ng maikling talakayan hinggal
sa aralin.
IMBENTARYO:
Ano ang naramdaman sa pagsasanay 1 (dalawang bersyon) ?. May pag-aalinlangan ba sa pagbagsak ? Paano
pinangibabawan ang pangamba? Ano ang obserbasyon sa pagsasanay? Ano ang
pakiramdam ng giya? Sa anong tungkulin higit na nagpokus sa pagtapik
(direksyon) ba? O sa paggabay at paglalakbay (nasakop ba ang buong espasyo)?
Ano ang pakiramdam ng nakapiring?
May pangamba ba sa paglalakbay? Paano ito napapangibabawan? May
pagkakaiba abg paglalakbay sa bersyon ng may obstacle?
Kapag may tiwala ang bawat isa sa layunin ng gagawin at sa nga kasamang
katuwang sa paggampan nito, higit na likas, maalab at buong- puso: ang
pagtutulungan. Ang lahat ng buong
pinagsanib ba lakas.
ARALIN II.
Mga Batayang Elemento ng Masining na Pagpapahayag
Masining na pagpapahayag
Ang pagbuo ng isang dula ay
maaaring ihambing sa pag-aaral ng isang putahe. Kailangang alam ng estudyante
ang lahat ng sangkap nito at ang silbi na bawat isa. Idagdag pang dapat ay tama
ang timpla ang mga ito upang tiyaking magiging malinamnam ang ihahain. Ang
wastong paggamit at paghahahi ng mga elemento ng masining na pagpapahayag ay
pagtugon saa estetikong rekisito (arctistic requirement) ng isang dula, hindi
lamang sa aspetong pag-arte, kundi maging sa iskrip, disenyong pamproduksyon,
pag-iilaw at paglalapat na tunog.
Gayumpaman ang mga pagsasanay na
inihanda sa panimulang yugtong ito ng improbisasyon ay mas naka-disenyo sa
aktor at asa kanyang pagganap. Bagaman sa talakayan, maaaring magbigay ang
instruktor ng mga gamit ng bawat elemento sa iba pang aspeto ng dula tulad ng
nabanggit sa itaas.
A.
Espasyo (space)
Ang espayo ang tumutukoy sa saklaw, ang lawak o kitid nito kaugnay sa
pagitan ng mgs bagay na nasa loob ng naturang sukat. Sa partikular, karaniwan
itong tumutukoy sa eryang pinagtatanghalan o entablado. Ang malawak na espasyo
(open space) ay kinatatangian ng malayang
kilos/galaw at pagitan samantalang ang makitid na espasyo (close space)
ay kinatatangian ng limitadong kilos/galaw at pagitan ng mga aktor o bagay sa loovb ng espasyo. Ang
sumusunod na pagsasanay ay naglalayong ipakita ang katangian ng dalawang anyo
ng espasyo at ituro ang pag-angkop sa katangian ng mga ito.
Pagsasanay 1: “NASAAN KA?”
Proseso:
1.
Hatiin sa 2 grupo ang mga kalahok. Pulungin ng
hiwalay ang bawat grupo at magtakda ng mga lunan (setting) na malawak at
makitid sa bawat isa, ilihim ang takdang lunan sapagkat ito’y pahuhulaan.
Narito ang halimbawa ng mga espasyo: basketball court,bukid, kagubatan, pampang
ng dagat (open space); banyo, bartolina, phone booth, basurahan (close space).
Likhain ang linan sa pamamagitan ng katawan. Pumili ng grupong unang
magtatanghal habang ang isa’y nanonood. Iwasan muna ang mga human subject sa
lunan. Halimbaway kung sa basketball court, anu- anong mga bagay lamang ang
nakikita mo? Tableau lamang ang pagtatanghal. Pahulaan sa mga manonood ang
lunang nilikha. Kung nahihirapang hulaan, hikayatin ang mga nagtatanghal na
gumawa ng kinakailangang pagbabago. Talakayin ang pagsasanay.
Pagsasanay 2: “NASAAN KA? II”
Proseso:
1.
Ulitin ang proseso sa pagsasanay 1. Ngunit sa
yugtong ito lagyan ng human subject ang tableau. Pahulaan ang lunan. Kaiba na
dapat ang mga lunan sa naunang pagsasanay. Matapos hulaan, pakilusin ang
eksena. Hikayating paunlarin ang eksena. Kung nakikita nang tagapagdaloy na
nagagamit ang buong espasyo, maaari nang itigil ang pagtatanghal.
Pagsasanay 3: “LAKBAY – DIWA I(Travelogue)”
Proseso:
1.
Ang pokus ng pagsasanay ay makita at maramdaman
ang pagkilos ng dalawang katangian ng espasyo. Humanap ng komportableng lugar
ang bawat isa. Magpahingalay (relax) at ipikit ang mga mata. Magkukwento ang
tagapagdaloy. Sa pamamagitan ng imahinasyon, ang bawat isa’y kikilos ng ayon sa
bagay at lugar na mababanggit.
Halimbawa ng daloy ng kwento:
Mula
sa fetus sa loob ng sinapupunan, lumalabas, naging ibon at lumipad sa
kalawakan, tinirador at bumagsak, kinuha ng isang bata at inilagay sa hawla,
nang magising ay napilit lumipad ngunit di makawala, pinakain ng bata at naging
uod kaya nakawala, unti unting nabalutan ng sapot, nagpilit kumawala. Humulas
ang sapot at naging paru-paro kaya nakalipad, nahuli muli at inilagay sa
garapon, nabasag ang garapon at nakawala, naging bola at kinuha ng bata upang
paglaruan, napagod ang bata at inilagay sa kahon, gumaan ang pakiramdam ng bola
at unti- unting naging lobo, binuksan ng bata ang kahon at lumipad ang lobo,
pumutok at nalaglag salupa, naging tao.
Kinakailangang masining ang damdamin ang pagkukwento ng
tagapadaloy upang mapakilos ang mga estudyante.
IMBENTARYO:
Ano ang
pakiramdam sa ginawa? Paano nilikha ang lunan? Paghambingin ang mga lunan. Ano
ang napapansing katangian ng mgha ito? Nang pagitan ng mga bagay at tao? Ng
kilos/galaw ng mga tao?sa bahaging ito, ipakilala ang elemento ng espasyo at katangian
nito.
TALAKAYAN:
Ibat-
iba ang mga lugar na ating pinatatanghalan. Narinyang magpalabas tayo sa
malalaking bulwagan kapag may kumperensya o sa mga limitadong entablado tulad
ng ibabaw ng trak sa harap ng maraming
manonood kung may mobilisasyon. Kinakailangan mahasa ang ating pagiging
pleksible sa iba’t-ibang pagkakataong ito sa pamamagitan ng pagsapol sa
katangian ng espasyo at pag- angkop sa bawat isa. Maaaring “lamunin” ng
malaking espasyo ang pagtatanghal o ang ibig sabihi’y hindi ito mabigyanng
nararapat na pokus. Samantala maaaring mahadlangan ang mga aksyon ng
pagtatanghal sa isang makitid na
espasyo. Anu’t anuman, kailangang mamaksimisa ang espasyo sa pamamagitan ng
wastong gamit sa kilos at pagitan.
Sa ibang aspeto, maaaring gamitin ang espasyo sa paraang
interpretatibo o simbolikal. Sa disenyong pantanghalan (stage design)
halimbawa, ang malawak na espasyo’y maaaring magpahayag ng kalayaan o
kahungkagan. Ang makitid na espasyo’y maaaring magpahayag na matinding
tunggalian o pagkasakol.
B.
Hugis (shape)
Ang
hugis ang elementong bumubuo ng anyo (form) ng isang bagay. Sa dulaan, dalawang
tipo ng hugis ang karaniwang makikita sa kilos at galaw ng mga aktor. May hugis
parisukat (square shape) na
kinatatangian ng mga kanto sa katawan o kilos samantalang ang hugis bilog (
round sahpe ) ay walang kanto o tuloy- tuloy (fluid).
Pagsasanay I: “ LAKBAY- DIWA II”
Proseso :
1.
Ulitin ang proseso sa lakbay diwa 1 ng aralin sa
espasyo. Sa pagkakataong ito, higit na magpokus sa paghubnog ng katawan batay
sa anyo ng mga bagay na binabanggit ng tagapagdaloy. Pumili ng mga malapit sa
karanasan ng mga estudyante.
Pagsasanay 2: “AKO AY GAGAWA… ISA, DALAWA, TATLO”
Proseso:
1.
Ang tagapagdaloy ay mag ro-role play na
manggagawa. Alam niyang bumuo ng kahit anong bagay. Ang estudyante ang kanyang
subject na maaari niyang baguhin ang hugis sa pamamagitan ng mga katagang “Ako
ay gagawa…………. Isa, dalawa, tatlo!”
Halimbawa :
Tagapagdaloy:
Ako ay gagawa ng bola… isa. Dalawa, tatlo!...( sa isang iglap ay kailangang
magbago ang porma ng mga estudyante batay sa mga bagay na mababanggit).
Hikayatin ang mabilis na pagpapalit o transpormasyon ng nakahintong posisyon.
Pansinin din ang paggamit sa hugis. Mag- explore ng mga bagay na may bilog at
parisukat na hugis. Mahusay na pagsasanay ito sa pleksibilidad ng katawan ng
aktor.
Pagsasanay 3: “ANG ISKULTOR”
Proseso;
1.
Hatiin ang pares ang grupo. Tukuyin si A at B.
si a ang iskultor at si B ang molde.
Pumili ng mga panimulang pares na
magtatanghal habang ang ibay nanonood.
Magbigay ng ibat- ibang lunan at hikayatin
si A na hubugin si B sa isang bagay na makikita sa nabanggit na lunan. Gawing
marahan at maingat ang paghuhubog. Iwasan ang pag-uusap. Hindi kinakailangang
magsalita o magmungkahi si B sapagkat bilang molde, siya ay “walang buhay”.
Pahulaan sa mga manonood ang “obra”. Magpalat ng papel pagkatapos.
2.
Ikalawang bersyon: ihanay ng pabilog ang mga
pares. Sumannguni sa larawan bilang 3. Ulitin ang proseso sa unang bersyon.
Kung tapos nang hubugin si B, hahakbang si A pakanan (o pakaliwa) ng bilog.
Katapat na niya ngayon ang molde ng kanyang
katabing iskultor. Pag- aralan ang obra at isipin kung anu ito. Kung sa
tingin niya’y hindi malinaw at maaari pang paunlarin, hikayatin ang iskultor na
gumawa ng kinakailangang pagbabago. Kung sa tingin niyay malinaw na huwag ng
galawin at hayaang matapos ang ibang gumagawang iskultor. Ipagpatuloy ang
paghakbang at pag-aayos (kung kinakailangan) hanggang tumapat sa orihinal na
molde: pahulaan amg obra. Magpalit ng papel pagkatapos.
Pagsasanay 4: “KODAKAN”
Proseso:
1.
Hatiin sa 2 grupo magtatanghal at manonood.
Magtalaga ng lunan. Sa bilang ng tatlo, ang mga estudyanteng dagling bubuo ng
nakahintong posisyon ng isang bagay na matatagpuan sa lunan. Pahulaan sa mga
estudyante ang mga bagay. Anyayahan ang manonood sa tanghalaan at
hikayating gumawa ng pagbabago sa
anumang “bagay” na hindi malinaw ang hugis. Kung posible, buuin ang larawan ng
lunan sa pamamagitan ng paggamit sa elemento ng espasyo pagitan. Halimbawa,
kung ang lunan ay sa opisina at may mgha estudyanteng humubog ng lamesa, silya,
pinto, maaaring pagtabihin ang “lamesa” at “ silya” habang nakatapat ang
“pinto” sa kanila.
Magpalitan ng papel ang grupo.
Talakayin ang mga pagsasanay.
IMBENTARYO:
Ano
ang pakiramdam sa pagsasanay? Paano ginamit ang katawan sa pagliokha ng
iba’t-ibang bagay? Nagamit ba ang maraming parte ng katawan? Ano ang isinaalang-alang
sa paglikha? Anu-ano ang mga suliranin/limitasyon sa paglikha? Sa bahaging ito
ipakilala ang hugis at katangian nito.
TALAKAYAN:
Dala
minsan ng kakulangan sa pinansya hindi lahat ng mga gamit panh-entablado (stage
props) at aktwal nating naipapakita sa entablado. Subalit kaya nating punan ang
kakulangan ito. Maaari natiing hubugin ang ating katawan sa hugis ng bagay na
hindi kayang aktwal na ipakita sa entablado. Halimbawa ang isang kumplikadong
makina sa pabrika ay pwedeng buuin ng pagsasama-sama ng mga hugis na ginawa ng
mga aktor nang hindi na kinakailangang pang gumamit ng totoong makina. Maging
ang buong kabundukan o kagubatan ay pwedeng ipakita sa pamamagitan lamang ng paghuhubog ng
katawan ng mga aktor. Ang teknik na ito ay tinatawag na impresyonistikong
pagsasalarawan.
Marami pang gamit ang hugis. Sa blocking
(posisyon ng mga aktor sa entablado), halimbawa , ang hugis tatsulok ang
pamantayang gabay. Sa ganitong porma ng pagkakaayos ng mga aktor, nakiikita ang
bawat isa sa kanila ng mga manonood. Ang mga mural na ginagamit bilang backdrop
sa dula ay nalalaman ng iba’t ibang hugis. Gayundin ang silhouette, na isang
anyo naman ng pag-ilaw. Maaring gawing bilog, parihaba, tatsulok o parisukat
ang platform riser na ginagamit bilang entablado depende sa layunin at
interpretasyon.
K. KILOS AT GALAW (Movement)
Isa sa
pangunahing instrumento ng aktor sa pagpapahayag ng ideya at damdamin sa
entablado ay ang kanyang katawan. Ang buhay na sinasalamin ng isang dula sa
tanghalan ay punong-puno ng kilos at gawa ng ibat-ibang ato na nararapat
isalarawan ng aktor magagawa ito sa pamamagitan ng pagtuklas ng maraming gamit
o kakayahan ng kanyang katawan.
Pagsasanay 1: “WALONG PAMANTAYANG KILOS NG AKTOR SA
ENTABLADO “( basic Efforts)
Sa pag-aaral ng kilos at galaw, tatlong bagay ang ating
dapat isaalang- alang. Una’y ang bilis, na tumutukoy sa bilis o bagal ng likos.
Ikalawa’y ang timbang, na tumutukoy sa bigat o gaan ng kilos. Ikatlo ang linya
na tumutulong sa pagigaing tuwid o baluktot pahilis ng kilos. Depende sa
sitwasyong kinapapalooban, layunin at damdamin, ang lahat ng ating kilos ay may
takdang bilis, timbang at linya. Narito
ang wastong pamantayang kilos na ating ginagamit sa pagganap sa
entablado.
KILOS
|
LINYA
Tuwid/baliko
|
BILIS
Mabagal/mabilis
|
TIMBANG
Mabigat/magaan
|
1.
Tulak/diin (push/press)
|
X
|
X
|
X
|
2.
Suntok (Punch)
|
X
|
X
|
X
|
3.
Taga (Slash)
|
X
|
X
|
X
|
4.
Pilipit (Wring)
|
X
|
X
|
X
|
5.
Pilantik (Flick)
|
X
|
X
|
X
|
6.
Inday 09 (glide)
|
X
|
X
|
X
|
7.
Tapik/Dampi (Dab)
|
X
|
X
|
x
|
8.
Lutang (Float)
|
X
|
X
|
X
|
Proseso:
1.
Bumuo ng 2-3 hanay nang may sapat na pagitan ang
bawat isa sa linya. Iparanas sa mga estudyante ang katangian ng pamantayang
kilos. Sa pamamagitan ng imahinasyon ,gawin ang sumusunod:
·
Tulak/diin – nagtutulak ng malaking kongkretong
pader
·
Suntok – sumusuntok ng malaki at mabigat na
punching bag
·
Taga – nagtataga ng baka sa pamamagitan na kamay
lamang
·
Pilipit – nagpipiga ng malaking kumot/carpet
·
Pilantik – nagpapagpag ng alikabok sa katawan
·
Inday 09 – tumatawid sa makitid na pilapil
(maaaring gawin ng nakapikit): lumilipad
·
Tapik/Dampi – naggagamot ng sugat
·
Lutang – lumilipad na parang lobo (gawin ng
nakapikit)
Note: Kailangang ipakita ng
instruktor ang tamang posisyon ng katawan sa panimula ng bawat isa .
Maglaan ng sapat na panahon sa
bawat kilos. Maging mapagmatyag sa mga katangian. Pansinin ang tensyon at
paghingalay ng kalamnan (muscles) ng mga estudyante.
Pagsasanay 2: “PANTASYA”
Sa
pagsasanay na ito ,tinutukoy ang walang pamantayang kilos at inuugnay sa mga
aksyon ng isang kuwento. Mahalaga ang konsentrasyon at imahinasyon sa bahaging
ito.
Proseso:
1.
Nakapiring ang mga estudyante, hayaang tumayo o
sumandali at magpahingalay sa pamamagitan ng malalalim na paghainga.
2.
Magkukwento ang instrukto. Kikilos ang
estudyante ayon sa mga aksyong hinihingi ng kuwento. Simulan ang kuwento.
Nagpahinga si Juan sa ilalim ng
puno, nang marinig niya ang tawag ng kanyang ina. Inuutusaan siya nito na
ibenta ang kanilang baka. Subalit sa mungkahi ng isang matandang nakasalubong
niya, ipinagpalit ni Juan ang baka sa matanda sa dala nitong buto ng halaman.
Ayon sa matanda, ang mga buto’y magdadala sa kanya ng malaking kayamanan.
Pinagalitan si Juan ng kanyang ina nang ang ina’y umuwi. Itinapon ng nanay ni
Juan ang mga buto sa labas ng bintana at sila’y natulog na. kinaumagahan, manghang-
mangha si Juan nang sa pagdungaw niya sa bintana’y tumambad ang isang
napakalaki at napakatayong na puno. Sa sobrang tayog ay lumalampas ang puno sa
mga ulap. Parang may kung anong tumatawag kay Juan kaya dali-dali siyang bumaba
sa bintana at inakyat ang puno. Lumampas si Juan sa mga ulap at dito’y nakita
niya ang ibang klaseng daigdig. Naglakbay at narating ang harapan ng isang
napakataas na kastilyo. Nakatayo siya sa harapan ng napalaking pinto nang
marinig niya ang dumadaggundong na tinig “Ako’y nagugutom!”. Kahit nahintakutanay
ipinasya niyang pasukin ang kastilyo. Pinilit ni Juan na buksan ang pinto
(EFFORT#1- Diin: patagalin ang aksyon). Nakapasok si Juan at lalo siyang
namangha nang makita ang laman ng kastilyo. Naglalakihang mga kasangkapan at
tila ba ito’y bahay ng isang higante. Ganoon nga! Muli’y narinig niya ang
nakabibinging boses, “Kumanta ka!” Kasunod nito’y napuno ang kastilyo ng
napakagandang tinig ng isang babae. Napapikit si Juan habang nakikinig at
pakiramdam niya siya’y lumulutang… parang isang lobo (EFFORT#2- Lutang;
patagalin). Nang idilat ni Juan ang kanyang mga mata , nakita niyang siya’y
nakalutang nga at dinala ng tinig sa kusina ng kastilyo. Nasa likuran siya ng
isang higante. Nakaupo ito sa harap ng lamesa. Katatpos lamang kumain. Sa
ibabaw ng lamesa’y mamantikang plato ng pinakainan ng higante, isang hawlang
ginto, isang babaing plawta (o gitara) at isang manok. “mangitlog ka!” ang
sigaw ng higante. Nangitlog ang manok ng ginto. “marami pa” sa sobrang lakas ng sigaw, nahulos si Juan sa
platong mamantika. Nakita siya ng plawta at muli itong umawit. Inantok ang
higante. Inilagay sa hawla ang plawta. Ikinandado. Inilapag ang malaking susi
sa lamesa at unti-unting lumungayngay ang mukha sa lamesa. Tulog. Sinikap ni
Juan namakaalis sa plato. Humingi ng tulong sa kanya ang plawta. Hinanap ni
Juan ang susi ngunit nakaipit ang bahagi nito sa pisngi ng higante. Humingi rin
ng tulong ang manok. Hinugot nito sa pisngi ng higante. Humingi rin ng tulong
ang manok. Hinugot ni Juan ang susi. Walang mangyari. Nakaisip siya ng paraan.
Kumuha ng balahibo ng manok at pakiliting sinundot-sundot ang ilong ng higante.
(EFFORT#3- Dab; patagalin). Nahatsing
ang higante. Naiba ang posisyon ng mukha kaya nakuha ni Juan ang susi. Binuhat
ito at punasok sa susian. Buong lakas na pinihit (EFFORT#4- Pilipit; patagalin). Nakawala ang plawta.
Binitbit siya ni Juan at tumakbo patungong bintana. “Juan, nakalimutan mo ako”,
sigaw ng manok. Nagising ang higante sa puntong naapuhap ni Juan ang manok.
Takbo. “Pangahas! Kakainin kita!” narinig nila ,Juaan ang bintana. Napakataas
nang kailangan nilang babain. Malapit na ang higante. Hinarap ni Juan ang
higante. Paulit-ulit na sinuntok ang ilong (EFFORT#5 suntok; patagalin).
Tumatawa lang ang hindi nasasaktang higante. Tinangay ng manok si Juan at ang
plawta. Lumipad sila upang makatakas. (EFFORT#6 – Lipad; patagalin). Narating
nila ang puno. Kasunod pa rin ang sumusunod na higante. Inihagis ni Juan ang
manok at plawta sa lupa. Ligtas silang nakarating sa ibaba. Sinibak ang puno
(EFFORT #7 – Taga; patagalin). Naputol ang puno at bumagsak ang higante.
Namatay. Napaupo si Juan sa sobrang pagod. Maya-maya’y naramdaman niyang may
kumakagat sa kanyang katawan. Mga hantik. Kumapit sa kanyang katawan noong
siya’y bumababa ng puno. Pinagpag niya ito (EFFORT#8- Pagpag; patagalin)
Naramdaman na lang ni Juan ang sampal ng kanyang ina. Binabangungot pala siya
at kanina pa siya ginigising ng ina. Mahuhuli na siya sa trabaho sa pabrika.
3.
Ang palalahad sa iataas ay halimbawa lamang.
Sikaping maging mas makulay at madamdamin ang pagkukuwento upang maramdaman ng
estudyante na siya ang pangunahing tauhan. Maaari din namang gumamit ng ibang
kwento na ngalalaman ng lahat ng kilos. Bumilang ng sampu ay magpangilahay bago
alisin ang piring.
Pagsasanay 3: “ANG SALAMIN”
Proseso:
1.
Hatiin sa pares ang grupo. Tukuyin si A at si B.
si A ang tao at si ang salamin. Kikilos si A at gagayahin ito ni B na parang
salamin. Hikayatin ang nakapabagal na kilos (sa teatro, ang tawag ditoyone
thousand and one count). Gamitin ang lahat ng parte ng katawan. Mageksperimento
din ng hugis. Sa umpisa’y kumilos sa kinatatayuan lamang (stationary position)
. kung maayos nma ang koordinasyon ni A at Bm maari nang maglakbay sa espasyo.
Paaalalahanan si a na iwasan ang kalahating ikot. Umikot ng buo upang hindi
malito si B.
2.
Magpalitan na papel pagkatapos nang hindi
pinuputol ang daloy ng kilos. Gawin ito sa pamamagitan ng pagdampi sa palad ng
kapareha.
3.
Bersyon #2. Ulitin ang proseso saunang bersyon.
Ngunit sa pagkakataong ito, hikayatin si A umugnay (compliment) sa iba pang
estudyante sa pamamagitan ng pagdikit o pagkabit sa katawan o pagsabay sa daloy
ng kilos. Kailangang gawin ito nang hindi nasisira ang salamin. Hikayatin ang
higit na pagpukos at konsentrasyon.
4.
Bersyon #3. Bumuo ng isang malaking bilog.
Pumili ng isang magsisimula ng kikilos at ang lahat ay nagsisilbing salamin.
Panatilihin ang mabagal na kilos. Pagkaraan ng ilangsandali, ipssa sa katabi
ang kilos at siya naman ang susundan ng lahat. Ipagpatuloy ang proseso hanggang
makaikot ang pagpasa ng kilos. Tupdin ang mga paalala sa unang bersyon. Kung
maglalakbay sa espasyo, panatilihin ang bilog na pormasyon ng grupo.
5.
Bersyon #4. Simulan ang pagsasanay sa pormasyong
diyamanic. Ang estudyante sa dulo (up) ng diyamante ang magsisimukla ng kilos habang sumasalamin ang iba. Ipasa ang kilos sa pamamagitan ng
pagpanig sa isang direksyon. Ang sinumang estudyanteng nasa unahan ng tinutukoy na panig ang bagong lider ng
grupo. Kaiba sa bersyon #3, maaaring masira ang diyamanteng pormasyon. Sa
ganitong kalagayan, mag-iiba-iba ang posisyon ng mga tao at magkakaroon ang
lahat ng pagkakataong maging lider. Maaari ding magkaroon ng kalituhan sa kung
sino ang bagong lider. Kaya dapat hikayatin ang ibayong konsentrasyon sa
pamamatyag (sensitivity)
Pagsasanay 4: “MALAYANG DALUYAN (Exploration)
Proseso:
1.
Maaaring magumpisa ang pagsasanay ng sabay-
sabay. Hikayating simulan ang kilos sa kani-kaniyang posisyon. Mainam kung
lalakipan ang pagsasanay ng musikang instrumental bilang dagdag na motibasyon
sa pagkilos. Gamitin ang buong katawan. Iwasan muna ang kilos na parang
sumasayaw, halimbawa, ang kilos ballet. Sa yugtong ito,hindi kinakailangang
mabagal ang kilos na parang sa salamin. Gamitin ang buong espayo. Hikayatin ang
pag-uugnay sa kilos ng bawat isa.
2.
Maari din namang simulan ang pagsasanay nang
paisa-isa. Humanap ng volunteer na magpapasimula ng kilos.. paisa –isa,
magpasok ng estudyante na kailangan kaagad na umugnay sa kilos ng mga nasa
entablado. Nasa instruktor kung kailan
tatapusin ang eksplorasyon.
BERSYON #2 – hatiin sa dalawa ang grupo. Magtalaga ng 3
“focal points”- mataas, pangitna at mababa. Ang local point ay isang bagay kung
saan tanging nakatuon ang paningin. Hatiin ang magtatanghal sa 3 “focal
points”. Simulan ang pagkilos. Umugnay, pagpalit ng focal point. Gamitin ang
buong espasyo.
IMBENTARYO:
Ano ang pakiramdam sa pagsasabay? Nagamit ba ang lahat ng
katawan sa pag kilos? Anu-ano ang naging limitasyon/suliranin sa pagkilos?
Paano nilalangkapan nh damdamin ang pagkilos? Sa yugtong ito ang 8 pamantayang
pagkilos at mga katangian nito.
TALAKAYAN:
Bukod sa mga linya ng iskrip, hindi maihihiwalay ang kilos
at galaw sa pagpapahayag ng mensahe at damdamin ng isang dula. Sa lahat ng
eksena ng pagtatanghal , nagsasalimbayan ang gamit ng 8 pamantayang kilos,- sa
paggawa sa pabrika, sa pagtatanim sa bukid, dispersal sa barkada, pagtutunggali
sa kaaway, selebrasyon ng tagumpay, at marami oang iba. Trumutulong din ang
aksyon sa pagbibigay diin at linaw sa diyalugo. Sa isang eksenang mobilisasyon
halimbawa: ang mga chanting ay sinasabayan ng pagtaas ng kamao o kapit-bisig.
Katangian malinaw at malaki ang kilos sa entablado bukod sa
pagiging makatotohanan. Dapat makitang kahuli-huliuhang manonood ang lahat ng
muwestra (gesture) ng aktor. Bukod dito,ang anumang aksyon ay kailangang
maglaman ng akmang damdamin. Sa ganitong paraan naaantig ang mga manonood
sapagkat halos totoong buhay ang kanilang nakita. Ang reaksyong ito’y tinatawag
na catharsis, na isang layunin ang pagsasadula.
C.
LEBEL (LEVELS)
Ang lebel sa pag-ibig ng taas tao
o bagay sa entablado. May tatlong lebel
na sinusunod sa entablado- mataas, gitna at mababa. Bukod sa tumutulong ang
lebel upang bigyan pagkakataon ang manonood na makita ang lahat ng nasa
entablado, nakakadagdag din ang elementong ito sa kagandahan ng komposisyong
biswal ng dula. Depende sa interpretasyon, ibat ibang mensahe ang
maaaringipahayag ng pggamit ng lebel.
Pagsasanay I: “ PAGLIKAS”
Proseso:
1.
Hatiin ang grupo sa tatlong hanay. Iposisyon ang
tatlong panig ng kwarto. Magtalaga ng isang lebel sa bawat grupo (ngunit huwag
munang sabihin ang tawag dito). Imuwestra sa kanila ang itinaksdang lebel.(
mababa- posisyong pagapang o paluhod na parang daga sa gitna – nakayuko at nakabaluktot
ang tuhod;mataas- nakatayo). Ito ang masisilbing starting poinbt ng bawat
grupo. (mag –iiba-iba ito sa pag-usad ng pagsasanay). Isulat sa pisara ang
pagkasunod-sunod ng pagiiba-iba ng lebel : mataas tungong mababa: mababa
tungong gitna: gitna tungong mataas.
2.
Magsisimula ang pagsasanay sa tunog ng tambol at
paglalakad ng hanay ayon sa itinakdang label sa simula. Sa bawat tunog ng
tambol ay kailangang mag-iba ang lebel ayon sa paliwanag na pagkasunod-sunod.
Upang makadagdag ng motibasyon, maaaring ipalagay sa mga estudyante nasila’y
mamamayang lumilikas sa militirisasyon sa kanayunan. Mag-eksperimento sa pareaan ng paglalakad sa pamamagitan ng
paggamit ng ibang elemento. Sa espasyo halimbawa, maaaring sabihin ng
instruktror na silay dumadaan sa masukal na gubat o malawak na kapatagan. Sa
kilos naman maaring sabihin na silay dumadaan sa rumaragasang ilog na tinutngis
ng kaaway na nagpapaputok sa likuran. Ang mga instruksyong ito ay sasabaihin
gagawin nang hindi humi8hinto sa isa pa. sa kalaunan, maari nang maghiwalay-
hiwalay o magiba ng direksong ang kasapi na bawat grupo habang sinusuod pa rin
ang instruksyon sa itaas. Magandang
hamon ito sa konsentrasyon at
pokus pagkat sa yugtong ito’y mawawalan ang estudyante ng gagayahan sa harapan.
Pagsasanay 2: “CANDID CAMERA”
Proseso:
1.
Ang pagsasanay ay gawain ng lahat at
sabay-sabay. Mula sa malawak na espasyo, kikilos ang mga estudyante sa drumroll
at hihinto sa drumbeat, habang maririnig sa instruktor ang mga katagang
“camera…..camera………click!. sa paghinto hikayating mag- eksperimento sa iba’t
ibang lebel ang mga estudyante. Gamitin din ang elemento ng hugis at kilos.
Hindi kinakailangamng magkareho ang lebel ng kilos sa lebel ng hinto..
Halimbawa:
Instruktor
: (drumroll) “camera….camera….(habang kumikilos sa kaniya-kaniyang direksyong
estudyante sa napiling lebel)…… (drumbeat). Click !”(hinto, may ebang lebel)
2.
Sa kaalaman,hikayatin ang mga estudyante na
kumilos at huminto patungo sa gitna ng enrablado habang umuugnay sa isa’t isa.
Magwawakas ang pagsasanay sa isang tableau.
Pagsasanay 3: “LARAWAN”
Proseso:
1.
Hatiin sa dalawa ang grupo- magtatanghal at
manonood. Magbigay ng lunan sa magtatanghal. Sa bilang ng lima, kailangan
umisip sila ng tauhan at aksyon nito ayon sa nabanggit nalunan. Gawin ito sa paraang
hinto. Pahulaan samanonood ng eksena. Pansinin ang lebel. Pansinin din ang
aksyon, hugis at espasyo. Magbigay ng iba’t-ibang lunan. Hikayatin ang mabilis
na pagtugon sa instruksyon. Magpalit ng grupo pagkatapos.
IMBENTARYO:
Ano ang pakiramdam sa pagsasanay? Nagamit ba ang espasyo,
hugis at kilos? Nagawa bang umugnay sa kilos ng ibang kamag-aaral? Bukod dito
ano pa ang kapansin- pansin sa mga tableau na nabuo? Ipakilala ang elemento ng
lebel at katangian nito.
TALAKAYAN:
Hindi lamang sa mga aktor ginagamit ang lebel. Minsan may
mga entabladong pinapatunganpa ng ilang flatforms o risers. Mga entablado sa
ibabaw ng entablado na mistulang mga palapag. Kaya gumagamit tayo ng mga
katagang “stage1”,” stage2”, “stage3”. Kung may mataas, gitna at mababang lebel
sa entablado. Ang ganitong disenyo’y maaaring
magpahayag ng iba’t ibang bagay. Halimbawa’y katayuan ng mga tauhan sa
lipunan – maaaring magtukoy din. Sa lunan, tulad ng bundokat kapatagan, o
palapag ng bahay (depende sa bihs ng entablado). Pwede ring sa mataas na lebel
ganapin ang pananagumpay ng bayani ng dula bilang pagtatampok ng rurok ng
damdamin. Habang ang pagkapuo naman ng kaaway ay nagaganap sa ibaba.
D.
MUSIKA AT TUNOG (MUSIC AND SOUND)
Pangunahing sangkap ng katangiang awditoryo ng dula ang naririnig
na diyalogo ng mga aktor. Subalit nakakatulong din ng malaki dito ang
musika at tunog. Hindi basts may
naririnig kundi nakakadagdag din ito ng damdaming nais ipahatid ng dula.
Pagsasanay 1: MUSIKA
Kailangan:
Casette,
4 na casette tapes na kumakatawan sa apat na batayang emosyon (saya, lungkot,
takot at galit), apat na bond paper bawat estudyante at pangkulay (crayola)
Proseso:
1.
Humanap ng komportableng lugar. Isa- isang
patugtugin ang mga tapes. Habang nakikinig, hikayating gumuhit ang mga estudyante.
Isang papel sa bawat musika. Maaaring mga linya at hagod (shades) lamang ng
kulay o mga larawan ang iguhit batay sa damdaming nilikha ng pakikinig sa
musika. Gawin ito ng tahimik at sa sarili lamang. Idikit sa dingding ang dibuho
pagkatapos. Talakayin ito sa ebalwasyonna pagsasanay.
Pagsasanay2 : MALIKHAING TUNOG
Proseso:
1.
Humanap ng komportableng lugar. Isa- isang
pagtugunin ang mga tapes. Habang
nakikinig, hikayating gumuhit ang mga estudyante. Isang papel sa bawat
musika. Maaaring mga linya at hagod (shades) lamang ng kulay o mga larawan ang iguhit batay sa
damdaming nilikha ng pakikinig sa musika. Gawin ito ng tahimik at sa sarili
lamang. Idikit sa dindgding ang dibuho pagkatapos. Talakayin ito sa ebalwasyon
ng pagsasanay.
Pagsasanay 2. MALIKHAING TUNOG
Proseso:
1.
Pakuhain ang mga estudyante ng anumang bagay na
maaring lumikha ng tunog. Bumuo isang malaking bilog. Pakanan o pakaliwa ng
bilog, isa-isa lumikha ng paulit-ulit (repetitive) na tunog na may takdang
“beat”. Tiyakin ang nililikhang tunog ng isa ay umaayon sa indayog ng sinunda.
Pansinin din ang kaisahan sa ritmo. Kapag nakaikot na ang tunog, hayaan ng
ilang sandali habang pinapanatili ang ritmo. Mag- eksperimento sa paglakas at
paghina (dahan- dahan o bigla) ng tunog.
2.
Kapag nanatili ang kaisahan, isa- isang alisin
ng tunog mula sa huli hanggang sa simulang estudyante.
3.
Ulitin ang proseso sa itaas. Ngunit sa
ppagkakataong ito, ay hikayatin ang ilang mga estudyante na lumilikha ng tunog
sa pamamagitan ng tinig o bahagi ng katawan.
IMBENTARYO:
Ibahagi
ang karanasan sa pagsasanay 1?
Ipaliwanag ang mga dibuho sa papel.paano nakakatulong ang musika sa pagguhit?
Napukaw ba ng musika ang damdamin? Paano ito sinasalamin sa pagguhit? Ano ang
pakiramdam sa pagsasanay 2? Paano nakilala ang mga tunog? Ano-anu ang mga
suliranin sa paglikha ng tunog? Ipakilala ang musika at tunog.
TALAKAYAN:
Malaki
ang tulong ng musika sa sining dulaan. Hindi lamang ito ginagamit upang ihudyat
ng simulan o wakas ng isang dula. Tumutulong din itong magpahayag na timpla (mood)
ng dula. Nagbibigay tampok at ddin sa damdamin ng mga tagpo maging ito’y
dramatiko, kapana-panabik, katatawanan o kasukdulan sa layuning maantig din ang
damdamin ng manonood. Ang paulit-ulit na musika sa kabuuan ng dula ang
tinatawag na theme music. Kung minsa’y nilalapatan iyon ng salita (lyrics) at
tinatawag na theme song. Higit na kasiya-siya ang dula kung may kasaliw na
musika.
Higit
rin dapat isantabi ang halaga ng epektong tunog (sound effect). Nagsisilbi
itong rekado sa pandinig ng manonood. Bukod dito, tumutulong ang epektong tunog
na pukawin ang imahinasyon ng manonood at btanggaping makatotohanan ang
kanilang namamalas.kung masama ang panahon sa isang eksena, gumagamit ng tunog
ng ulan o bagyo nang hindi kinakailangang magbuhos ng tubig mula sa mataas ng
tanghalan. Maaari ring lumikha ng tunog sa pamamagitan ng pag- eksperimento sa
kahit anong bagay. Ang putok ng baril ay pwedeng tabla at makapal na librong
ihahampas ng palapit sa sahig nang hindi na kinakailangan pang magpaputok ng
totoong baril.
F.
KULAY (COLOR)
Iba’t ibang damdamin ang
ipinapahayag ng kulay. Hindi lamang ito pagkain sa paningin ng manonood kundi
nagpapaabot din ng mensahe. Realistiko man o simbolika, ang mga gamit ng kulay
ay dapat umayon sa layunin ng dula.
Pagsasanay 1. LARAWAN
Proseso:
1.
Ang pagsasanay ay sa paraang talakayan at sa
tulong ng mga visual aids. Magpakita ng iba’t ibang larawan. Maaaring picture
ng mga pagtatanghal pangdulaan. Pansinin ang mga kulay atb posibleng
interpretasyon ng mga ito. Tingnan ang kulay ay gamit nito sa kostyum, meykap,
ilaw at disenyong pang- entablado.
2.
Maaari nang gumamit ng mga dibuhong biswal
(painting)
Pagsasanay 2: “DIKLAP”
Proseso:
1.
Humanap ng komportableng lugar at maupo. Pumikit
at sandaling magpahingalay. Sa pamamagitan ng imahinasyon at panloob na
paningin (inner eye), magmumungkahi ang oisang instruktor ng iab’t ibang kulay.
Iugnay ang bawat kuklay sa isang
pangyayaring maaaring maranasan o nakita. Maaaring gumamit ng mga
dibuhong biswal (paintaing). Maaari ding isang bagay na katulad ng kulay na
nabanggit ng instruktor, at ito’y buhat sa isang nakaraang pangyayari.
Buhayin sa isip ang pangyayari.
Hikayatin ang estudyante na “pumasok” sa eksena at magsaita ayon sa
“nagaganap”. Kailangang isipin ng estudyante na ang pangyayari ay nagaganap sa
kasalukuyan. May kahirapan ang pagsasanay na ito kaya’t dapat panatilihin ang
konsentrasyon.
IMBENTARYO:
Paano ginagamit ang kulay sa entablado? Ano ang kaugnayan
nito sa iba pang elemento ng dula? Ano ang pakiramdam sa pagsasanay 2?
Nakatulong ba ang kulay sa paglikha ng isang pangyayari sa nakaraan? Sa
pagpapahayag na damdamin?
TALAKAYAN:
Malaking
makakaakit sa manonood ang kuulay. Isa ito sa mga unang napapansin sa
pagbubukas pa lamang ng ilaw. Sa mahusay na paggamit ng kulay, mapupukaw kaagad
ang atensyon ng manonood. Tumutulong ito sa pagbibigay diin sa mensahe, tulad
ng pula para sa paghihimagsik; puti para
sa kapayapaan; at itim sa pagluluksa. Subalit maaaring mag-iba ang interpretasyon ng kulay
batay sa ugnayan nito sa iba pang aspeto ng dula.
Magkakagayunpaman, kailangan mailinaw ang gamit ng elementong ito.
G.
LINYA AT
TEKSTYUR (LINE AND TEXTURE)
Ang linya ay pagsasama ng mga tuldok (point) mula sa isang
tiyak na tuldok bilang simula tungo sa
isa pa bilang wakas nito. Mayroong dalawang uri ng linya- tuwid at baliko. Ang
anyyoo naman ng linya ay pasulong
(vertical); pahalang (horizontal); palihis (diagonal); zigzag at spiral. Sa
entablado, ang linya ay karaniwang
tumutukoy sa direksyon ng pagkilos ng aktor. Tinutukoy ng tekstyur ang kinis
(smoothness) at kapal( thickness) ng aksyon o mga bagay sa entablado.
Mahalagang sangkap ang linya at tekstyur sa pagbubuo ng konsepto ng dula at
pagsasa- entablado ng interpretasyon.
Pagsasanay 1. “MAGLAKAD”
Proseso:
1.
Isa-isa, hikayatin ang mga estudyante na lumakad
sa linyang pasulong o pahalang. Sakupin
ang buong espasyo ng entablado habang aniiwasan na magkabanggaan sa pamagitan
ng dagliang pagpihit sa ibang direksyon.
2.
Kung makabuo ng koordinasyon. Hikayatin na mag –
eksperimento ng direksyon, pasulong, pahalang,
palihis, zigzag o spiral habang iniiwasan pa rin na magkabanggaan.
Maglaan ng sapat na panahon sa yugtong ito.
3.
Hikayatin na mag eksperimento sa bilis at anyo
ng lakad, sa paggalaw ng ibang bahagi ng katawan. Umugnay sa kilos at direksyon
ng sinumang makasalubong. Ang tendensya sa yugtong ito ay makabuo ng mga hanay
ng dalawa o higit pang estudyante. Umugnay lamang sa katapat na estudyante.
Makaraan ang ilang sandali, maaaring may bumaklas sa hanay at tumungo sa
direksyon ng iba pang estudyante upang umugnay. Dito, ang tendensya’y kumapal
ang komposisyon dahil makakabuo ng mas malaking grupo, o maaaring isang buong
grupo ng lahat ng estudyante.
4.
Matapos, hikayating isa- isang bumaklas sa grupo
palabas ng entablado. Subalit hindi dapat awtomatiko ang pag –aalis.
Pinatilihing ang pagkilos ng katawan at gamit ng direksyon sa paglabas sa
tanghalan.
IMBENTARYO:
Ano ang pakiramdam sa
pagsasanay? Nasakop ba ang espasyo? Paano? Ano ang napansin sa yugtong simpleng
lakad at lakad na may kilos ng katawan? Sa yugtong pag-uugnay sa kilos ng iba?
Sa pagbaklas at paglipat sa ibang grupo?sa pagitan ng mga grupo? Sa pagbaklas
patungo sa labas ng tanghalan? Ipakilala ang limya at tekstyur sa yugtong ito?
TALAKAYAN:
Maraming mensaheng ipinahayag ang iba’t ibang linya at
tekstyur depende sa linaw ng paggamit at aspeto ng dulang pinaggagamitan. Bukod
sa direksyon ngg aktor, ang dominasyon ng baluktot na linya sa disenyong
pangtanghalan tulad ng sa kagubatan ay maaaring magpahayag ng masalimuot at
mabigat na damdamin. Ang istilung minimalismo naman sa disenyo ay karaniwang
may manipis/makinis na tekstyur subalit maaaring kumuyom sa puso. Halimbawa,,
bandila ng US na isinabit sa itaas sa pormang pambigti, iasng camouflage na
silya sa ibaba at rehas na bakal sa tapat bilang disenyo sa dulang ukol sa
pasismo. Sa iskrip, ang pasuling na linya ay maaaring kumakatawan salayunin ng
mga tauhan na kamitin ang adhika habang ang magaspang/makapal na tekstyur ay
sumisimbolo sa marahas na tunggalian na mga tauhan.
I.
RITMO
(RHYTHM)
Ang ritmo at tumutukoy sa kaisahan
ng lahat ng mga batayang elemento ng masining na pagpapahayag sa isang masining
na kabuuan. Ibig sabihin, ang paggamit
sa isang elemento ay hindi dapat
kumubabaw bagkus umugnay at tumulong sa isa pa. tamang timpla ng bawat isa, ika nga.
Halimbawa,
ang pag-asa lamang sa kulay pula upang magpahayag
ng damdaming militante ay kulang kung hindi naman makikita sa kilos at
galaw ng mga aktor sa tanghalan. Dapat
ding tiyakin na malinaw ang layunin sa gamit ng mga elemento
at tumutulong upang ipahayag ang mensahe ng dula. Bukod sa
dapat ay kasiya-siya, kailangana taglayin din ng dula ang pagpapahayag ng piinakamatalas na pampulitikang nilalaman
habang tinitiyak ang pinakamataas na porma ng sining sa nauunawaan ng manonood. Sa ganitong paraan lamang
magiging kalugod- lugod at magkakaroon ng saysay ang dula sa manonood.
Aralin III.
TINIG AT PAGBIGKAS
Mahalaga ang bawat salitang
isinusulat sa iskrip ng isang mandudula. Sa pamamagitan ng bawat tauhan
nailalahad ang daloy ng kwento at ang mensaheng nais ipaabot sa manonood. Dahil
dito, malaki ang pangangailangan na sanayin at hasain ng aktor ang kanyang tinig at pagbigkas. Dapat maririnig ng
manonood ang bawat salita sa dula ng malinaw at malakas. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagsasanay sa paghinga, intonasyon, bolyum at diksyon. Ang
sumusunod na pagsasanaysa araling ito ay hindi lamang magagamit sa panahon ng
palihan kundi maging pambungad na warm- up sa mga sesyon ng ensayo (rehearsal)
ng dulang pamproduksyon.
Pagsasanay 1. PAHINGA
Malaking aspeto ng malakas na
tinig at malinaw na pagbigkas ang tamang paghinga.
Layunin na pagsasanay na ito na
ituro ang wastong koordinasyon sa pagpasok (inhalation) at paglabas
(exhalation) ng hangin at ang ugnayan niti sa tinig.
Proseso:
1.
Magpahingalay. Hikayating maghikab at mag-inat
ang mga estudyante habang nakatayo. Banatin ang kamay, leeg, balikat, likod at
baywang.
2.
Humiga ng palapat sa sahig. Ipahingalay ang
buong katawan. Iposisyon ang mga braso
ilang pulgada (inch) palayo sa katawan na parang titik “A”. iposisyon
ang ulo paayon sa gulugod (spine). Huminga. Ipasok ang hangin sa ilong at ilabas
sa bibig. Gawin itong ilang beses habang lumalalim ang paghinga. Pansinin ang
pagtaas ng dibdib at paglawak ng tadyang
(ribcage)
3.
Ilagay ang isang kamay sa tiyan. Huming. Ipasok ang hangin sa ilong
at dalhin sa tiyan. Pansinin ang paglaki ng tiyan sa puntong ito. Ilabas ang
hangin sa bibig. Ito ang tinatawag na “sssssss” o “zzzzzzz” ang paglabas na
hangin. Gaein ng ilang ulit. Tiyaking ang tiyan ang lumalaki at hindi ang
balikat sa pagpasok ng hangin.
4.
Ulitin
ang proseso sa hakbang #3 subalit sa yyugtong
ito, mabilis na “itulak” ang hangin palabas at sabayan ng tunog na “huh!” o “a”. gawin ng ilang ulit habang
sinisikap labasan ang tinig. Tiyaking hindi ginasgasgas ang lalamunan sa loob
ng dibdib at tiyan. Huminga. Ipasok ang hangin at pigilan hanggang sa bilang ng
lima bago itulak sa tunog na “Huh!”. Gawin
muli habang dinadagdagan ng
isang bilang ang bawat pag-ulit hanggang sa bilang ng 12.
Halimbawa:
1.
Ipasok ang hangin sa tiyan at pigilan 91,2,3,4,5)……. Itulik (HUH!)
2.
Ipasok ang hangin (1,2,3,4,5)……..itulak (HUH!)
5.
Subukang i-rasyon ang paglabas ng hangin.
Tumayo. Huminga ng malalim. Ilabas ang
hangin sa paraang putol- putol at sa
“tunog na HUH!” habang yumyuko ang kalahati ng katawan. Gawin hanggang maubos
lamang ang hanging ipinasok sa tiyan.
Isipin ang hangin ay munting mga bala na
isa-isang iniluluwa. Bumalik sa orihinal na posisyon pagkatapos. Ulitin. Ang
tawag sa teknik na ito ay “dog panting”.
Pagsasanay 2. INTONASYON
Ang
intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng
tono sa pagsasalita. Ito ay nagbibigay
ng indayog sa boses. Layunin ng pagsasanay na ito na ipakilala ang iba’t ibang
tono sa pagsasalita upang maiwasan ang pagbigkas na isang tono (monotone)
Proseso:
1.
Humanap ng tatlong nota sa boses at isatinig sa
“HU” o “HO”. Humanap ng kapareha at magharap. Mag-eksperimento sa pagpapalit ng
tono mula mataas, pababa o mula mababa,pataas.
Tapilin ang kapareha sa noo (mataas na tono), sa kabalikat (paggitnang
tono) at sa braso (mababang tono0. Tingnan ang mga sumusunod.
HU
(tapik sa noo) HO
(noo)
HU
(balikat) HO
(balikat)
HU
(braso) HO
(braso)
2.
Gawin ang sumusunod na pagsasanay sa “mababa-mataas-mababang intonasyon”. Pansinin
ang tamang pangalan at malinaw na pagbigkas.
a.
Tagidig Tagidig
Isa Dalawa Tatlo
b.
Palalim Palawak Pasulong
Maghasi Magpunla Magtanim
c.
Itikom na ang naghihingalong mga daliri………..
Lagumin mo iyang butil sa ‘yong pawisang palad….. ang iyong
kamao’y may hugis ng isang daigdig na nakaamba! – mula sa “ikaw, isang
Manggagawa” ni kris montanez
3.
“mataas- mababa-mataas naintonasyon”
A.
Makina Makinilya Mekaniko
B.
Kalayaan
Katarungan Lipunan
May bakal ang paa at tinik nang dila……
Sa
gitna ng kawan ng mga alamid. Bawat isa’y tupa waring nabilibid…..
“
pila ng kamatayan” mula sa Sag-od ni Fidel Rillo
4.
“tumataas- bumababang intonasyon”
Hawig ito ng ng “ do re mi “ sa pag awit subalit iwasang
awiwin ang ppagsasanay. Bigkasin lamang ang mga titik habang binibigyang tuon ang yugto-yugtong pagtaas at pagbaba ng
tono. Isang paghinga bawat titik.
a. I
H L
G M
E N
D NGA
K O
B
P
A R
B ifugao
At kalinga
Bontoc Abra
Benguet
Apayao
Pagsasanay 3. BOLYUM
Ang lahat ng sandali sa ibabaw ng entablado, kailangang
tiyakin ng aktor na malakas ang kanyang tinig at naririnig kahit ng
kahulihulihang hanay ng manonood. Maging ang bigkas na “pabulong” sa
entablado (stage whisper) ay dapat
marinig. Ginagawa ito sa paraaang mahangin (breathy) ng pagsasalita at hindi ng
paghinga ng tinig. Layunin ng pagsasanay na hasain ang malakas na tinig at
ipakita ang ugnayan nito sa wastong paghinga.
Proseso:
1.
Gawin ang paghingang itinuturo sa pagsasanay 1
(ipasok sa tiyan ang hangin at itulak sa tunog na “HUH”). Gawin ito nang
nakatayo at nakahanay.
2.
Bumilang ng isa hanggang sampu. Pansinin ang
paglabas ng bolyum nabang tumataas ang bilang. Upang matiyak na sabay-sabay ang
bigkas, maaaring ihudyat ang taagapagdaloy ang bawat bigkas sa pamamagitan ng
isang tambol. Saa lahat, pansinin ang wastong paghinga (diaphragm).
3.
Hamunin ang paghinga at pagpapanatali ng malakas
na bolyum. Bumilang ng 1-15 sa paraang isahang dagdag ng bilang at pagbalik
muli sa umpisa ng bilang. Bigkasin ang bawat inabot na bilang sa loob ng isang
hingahan lamang. Tingnan ang halimbawa.
Halimbawa: (exhale) isa! (inhale)
(exhale)
isa, dalawa! (inhale)
(exhale)
isa, dalawa, tatlo! (inhale)
(………..hanggang
15)
4.
Sa grupong limahan, ihanay ang mga estudyante sa
entablado. Gamit ang imahinasyon, magsasalita ang mga estudyante sa malakas na
tinig na parang may isang taong kausap. Mag-eksperimento sa paglakas at
“paghinga” ng bolyum sa pamamagitan ng pag-angkop sa bilang ng 1-10 ng
instruktor. Kailangang tuloy-tuloy ang “pakikipag-usap” ng mga estudyante,
habang nakikinig sa bilang ng instruktor. Ilakas o “ihina” ang bolyum kung
kinakailangang (batay sa bilang) nang hindi pinupotol ang pagsasalita. Tingnan
ang halimbawa.
Halimbawa:
Estudyante: (gumaganap na nagtatalakay
sa masa) Ang katayuang malakolonyal ay mala-pyudal ng lipunang pilipino (ISA!;
panatilihin ang sinimulang bolyum) ay itinatakda ng imperyalismong US (DALAWA!;
lakasan ang bolyum), pyudalismo at burukrata kapitalismo. Taliwas sa pahayag ng
naghaharing uri na nakamit ng pilipinas an independensya, (TATLO!; sa tinig na
mas malakas sa nauna) nananatili ang pangunahing kontrol ng imperyalismong EU
sa ekonomiya, pulitika, kultura at militar at ugnayang panlabas ng Pilipinas.
Sa simula, gawing sunod-sunod ang
bilang. Isa patungong samopu (gradwal na pagtaas) o sampu pababa sa isa
(gradwal na pababa). Sa kanlaunan, magpalipat-lipat ng bilang. Maaaring
magsimula sa bilang ng lima, patalon sa pito, talon sa dalawa, talon sa siyam
at iba pa.tiyakin ang linaw ng pagbigkas.
Pagsasanay 4. ARTIKULASYON
Maaaring malakas ang tinig ng
isang aktor subalit may pagkakataong hindi klaro ang kanyang pagbigkas.
Kinakain ang salita, ika nga. Tinutukoy ng artikulasyon ang malinaw na
pagbigkas sa mga salita o pangungusap nang may pagbibigay-pansin sa bawat
pantig (syllable) ng salita at mga tandang bantas (punctuation marks) sa isang
pangungusap. Bahagi din ng artikulasyon ang wastong paghahati
ng pangungusap sa mga parirala (phrase).
Proseso:
1.
Ihanay ang mga estudyante. Ibuka ang bibig na
pinakamalawakna kaya nitong abutin.
Panatilihihing nakabuka nang ilang sandali. Magpahingalay . gawin ito ng
ilang ulit.
2.
Ibuka ang bibig at ilabas ang dila. Hilahin ang
dila pababa at sikaping abutin ang baba. Hilahing pataas at subuking abutin ang
tungki ng ilong. Hilahin pakaliwao pakanan at subuking abutin ang tenga.
Totoong imposible ang mga direksyong nabanggit subalit ito’y pantukoy lamang sa
kinakailangang paraan ng paghila sa dila. Paikotin ang dila sa palibot ng labi.
Gawin ito sa paraang binabanat ng husto palabas ang dila.
3.
Bigkasin ang katagang ‘WEE-WAW”. Bigyang diin ang patinig (vowel)
ng salita.
Pansinin ang pagbanat ng pisngi at labi (parang isang eksaheradong ngiti) sa katagang “WEE”. Pansinin ang eksaheradong
pagbuka ng bibig at pagbagsak ng panga sa katagang “WAW”.
4.
Bigkasin ang sumusunod na tongue twister.
Pansinin ang malinaw na pagbigkas ng mga
pantig ng bawat salita, gayundi ang
laks ng tinig. Ulitin ang bawat pangungusap ng tatlong beses.
A.
Ang ruler ni roy ay royal.
B.
Nagngingitngit ang langit at nangangatog ang
tungkod.
C.
Bagyong nagngangalit , balik-laot
Biglang humabagat, kalilakilabo
D.
Ang demokratikong sentralismo ay sentralismong
nakabantay sa demokrasya at demokrasyang
pinapatnubayan ang setralisadong pamumuno.
E.
Kutso-kutso………kumukurukurutok (10x)
Kumililing-kumililing……..kutikutiltilin (10x)
5.
Mag-ipit ng toothpick sa pagitan ng ngipin.
Pumili ng isang tula at bigkasin. Sikaping maging malinaw at malakas ang
pagsasalita.
Halimbawang
tula:
Paulit-ulit ang proseso.
Bakal sa apoy. Apoy sa bakal.
Bakal sa palihan. Maso sa bakal at palihan
Bakal
sa tubig. Bakal sa apoy
Hanggang tumingin sa kadalisayan ng antigong bakal sa purong asero
Hubugin sa kailangang hugis. Hasain sa takdang talim
Iulos sa puso ang lahat ng traydor at mga kaaway ng bayan
-Mula “Pandayan” ni Felipe feleo
….. Oras
ng mga guma-guma, alitaptap
Oras ng tiyan at kubyerto swa daan
Kaylakas ng hagupit ng hangin sa sanga
Kasagan. Habulan. Kaskasan. Hiyawan
Nagkakalapakan ang mga duguang plakard
Nagbabarimbawan
naghahangingngan…..
Ang mag bastyong bote, bato!
Sa mga ulanan
Lagatok pagapak, kalabag
halihaw
Sa noo, sa mukha, sa dibdib, sa
karimlan.
-mula sa “Mga Duguang Plakard” ni: Rogelio Mangahas
6.
Pumili ng isang tula. Hatiin sa parirala ang mga
pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng salsh (/;//;///)tinutokoy ng slash
ang haba o ikli ng kinakailangang patlang (pause)
sa pagitan ng mga parirala. Ang pagsasa-parilaz (phrasing) ay kinakailangang
magtaglay ng isang buong mensahe.bigyang diin ang mga salitang pandiwa (verb),
pang-uri (adjective) , at pangngalan (noun). Pansinin ang wastong paghinga at
lakas ng tinig.
Halimbawa:………… kaya’t ngayon ay
muli naming binabago ang kasaysayan
Sa
aming mga kamay ay babaguhin ang lipunan
Wawasakin
ang pagsasamantala’t pang-aapi
Itatayo
ang bantayog ng mga anakpawis/. Dahil sila ang
Tagapaglikha
ng kasaysayan at tunay na bayani
Sa
pamamagitan ng madugong pagbabalikwas
Itatayo
ang lipunang demokratiko at malaya
Sosyalismo!
Mula
sa “Alam ng manggagawa ang Kasaysayan” ni Rojo Labrador
IMBENTARYO:
Anu-ano ang naging suliranin sa pagsasanay 1? Nagagawa bang
dahilan suliranin sa pagsasanay 2? Nagagawa bang mag-eksperimento sa
iba’t-ibang tono? Anu-ano ang nagingsuliranin sa pagsasanay 3? Anu ang naabot
na lakas ng bolyum (voice range))? May kaugnayan ba ang bolyum sa paghinga?
Paano ito ginawa sa bahaging may toothpick sa pagsasalita? Paano binibigyang
diin ang mga kataga o parirala.?
TALAKAYAN:
Talakayin ang kahalagahan at ugnayan ng paghinga , bolyum,
intonasyon at artikulasyon sa wastong pagbigkas sa entablado. Hindi makakamit
sa isang sesyon lamang ng palihan ang mahusay na tinig at bigkas sa tanghalan.
Ugaling gawin ang mga pagsasanay sa paghinga at bolyum bilang panimula ng
anomang ensayo sa dulan. Ang intonasyon at artikulasyon naman `ay bahagi ng
pormal na ensayo.
Aralin IV
OBSERBASYON
Ang obserbasyon o pagiging mapagmasid ay isang katangiang dapat hubugin ng isang
aktor : Pinagmamasdan niya ang iba’t
ibang tao , bagay ,at pang yayari . Pinag-aaralan ang galaw at ugnayan ng ito
at nagagawang likhain ang katulad sa ibabaw ng entablado
inumpok sa kanyang isip bilang halawan ng kanyang pagganap o bahagi ng
kabang vaman ng istimulo (stimuli ) na
maaring hugutin kailan man kailangan
upang makatulong sa pagganap . Sa pagmamasid , binibigyang pansin din ng
aktor hindi lamang ang mga malalaking detalye kundi maging yaong hindi
kagyat na napapansin subalit mahalagang
bahagi .
Pagsasanay 1. “
PANSININ ANG PALIGID”
Kailangan:
pisara at chalk (alternative manila papers)
Proseso:
1.
Hatiin sa dalawang pila ang mga estudyanre. Magtakda ng
lunsarang guhit (starting line) nang may
sapat na layo saa pisara.
2.
Sa katagang
“telon”, isa-isang tatakbo ang mga kasapi ng bawat grupo sa pisara at
magpaparamihan ng mga bagay na kagyat na nakikita sa loob ng silid. Kailangang
malinaw at mababasa ang pagkakasulat kahit may pagmamadali. Gawin ito sa loob
ng dalawang minuto.
3.
Ulitin ang proseso sa itaas. Sa pagkakataong
ito, isulat naman ang maliliit o di- gaanong kapansin – pansing mga bagay.
Pagsasany 2:
“ALIN ANG NAIBA”
Proseso ;
1.
Hatiin sa pares ang grupo. Bumuo ng dalawng
hanay na magkaharap ang m,agkapareha. Tukuyin ang hanay A at hanay B. paupuin
ang hanay A at panatilihing nakatayo ang hanay B. tingnan ang larawan #4.
Larawan #4:
O O O O O O HANAY A
O O O O O O HANAY B
2.
Hikayatin ang hanay A na obserbahanang kapareha
sa hanay B. pansinin ang lahat ng bagay na nakikita sa kapareha at tandaanng
mabuu. Patilikurin si A. Habang nakatalikod, hikayatin si B na magbago ng
tatlong bagay sa kanyang sarili- maaaring ibahagi ng kanyang kasuotan o ang
ayos ng bahagi ng kanyang katawan.
Matapos
ito, paharapin muli si A at pahulaan ang tatlong bagay na nabago kay B. paupuin
sa B kung tama ang sagot ni A. ulitin ang proseso ng tatlong beses habang
paliit ng paliit ang detalyeng binabago at nadadagdagan ng isang bagay na
binabago sa bawat pag – ulit. Magpalitan ng papel. Si B naman ang nagmamasid
kay A. ulitin ang proseso.
Pagsasanay 3. “SINO-SALAMIN”
Prseso:
1.
Hatiin sa dalawa ang grupo –magtatanghal at
manonood .Palabasin sa silid nang
sumandali ang manonood .Hatiin sa
pares ang grupo ng matatanghal . Tukuyin kung sino ang salamin at sino
ang tao .Ang pagsasanay na ito ay tulad ng
SALAMIN (Pagsasanay 3.Sub –aralin
K.KILOS AT GALAW )Sa Aralin II. Ngunit sa paggkakataong ito ang layunin ng
bawat pares ilihim kung sino ang tao at salamin sa pamamagitan ng koordinasyon
at banayad na pagkilos . Simulan ang kilos .Papasukin sa silid angmga manonood
.Hikayating magmasid sa lahat ng pares .Tukuyin kung sino ang tao at salamin sa
bawat pares .
2.
Ulitin ang proseso sa itaas .Sa yugton ito
hikayatin ang mga magtatanghal na mapapaloit-palit ng papel (tao at salamin)
habang inililihim ito sa mga manonood .Gawin ito ng hindi tumitigil sa pagkilos
at sa pamamagitan ng misyatiba at pakiramdam. Pahulaan sa manonood ang
malimit na pagpapalit ng papel ng mga
pares na nagtatanghal
3.
Magpalit ng papel ng grupo. Ang dating manonood
naman ang magtatanghal at ang huli’y manonood. Ulitin ang proseso.
Pagsasanay 4: “ZIGZAG-SALAMIN:”
Proseso:
1.
Hatiin sa dalawa ang grupo- magtatanghal at
manonood. Bumuo ng dalawang hanay sa grupo ng magtatanghal at pagharapin ang
mga ito. Magtalaga ng bilang sa bawat kasapi ng grupo sa paraang zigzag. Tingnan ang
sumusunod na larawan.
1 3 5 7
2 4 6 8
Larawan
5:
2.
Sa katagang “telon” lilikha si estudyante #1 ng
isang tunog (hal: AH! O anumang tunog na isa hanggang dalawang pantig).
Isasalamin ni estudyante #2 ang tunog ni #1. Isasalamin ni estudyante #3 ang
tunog ni #2, tulo-y – tuloy hanggang sa huling estudyante. Pansinin ang bolyum
at tono. Tiyaking binibigkas ang tunog
sa parang staccato- --- mabilis at maikli----- at ipinapasa sa paraang zigzag.
Tiyakin ding sinasalamin ng isang estudaynte ay yaong kagyat na una sa kanyang
bilang. Kailangang nakahinto lamang ang
estudyante matapos isalamin ang tunog at habang naghihintay ang bagong tunog .
maaaring hintayin ng instruktor na makaabot sa huling estudyante ang tunog o maaari
rin namang hudyatan na si
estudyante #1 na lumikha ng bagong tunog kahit hindi pa nakukumpleto
ang naunang pagsasalamin.
3.
Ulitin ang proseso sa itaas. Ngunit sa yugtong
ito, lumilikha ng isang nakahintong kilos sa halip na tunog. Hikayating maging mabilis sa pagsasalamin
ng kilos. Pansinin ang wastong pagsasalamin sa kilos.
4.
Ulitin
ang hakbang #1 at #2. Sa yugtong ito, pagsamahan ang tunog at kilos. Magpalit
na papel ng grupo.
Padsasanay 5: “ISANG HANAY”
Proseso:
1.
Hatiin sa dalawang grupo ang mga
estudyante---manonood at magtatanghal. Palabasin sa silid ang mga magtatanghal
at paupuin ang mga manonood.
2.
Isa- isa, tatakbo ang kasapi ng grupong
magtatanghal papasok sa entablado, lilikha ng nakahintong kilos, bubuo ng isang
hanay, mananatiling nakahinto ng ilang sandali sa hudyat ng instruktor, tatakbo muli palabas ng silid.
Pagkatapos, isa isang muling tatakbo papasok ang magtatanghal na iba na ang
pagkakasunod- sunod sa bahay at
nakatindig na lamang. Hikayatin ang manonood na ayusin ang pagkakasunod-sunod
at ibalik ang nakahintong kilos ng mga nagtatanghal. Ulitin ito ng dalawang
beses. Hikayatin ang malaki o eksaheradong kilos. Magpalit ng papel ng grupo.
IMBENTARYO:
Ano ang
pakiramdam sa pagsasanay 1? Paano humanap ng mga bagay na isusulat sa pisara?
Ano ang napansin sa silid? May mga natuklasan ba na hindi gaaanong napapansin
noong una? Paano tiniyak na wasto ang natukoy na pagbabago sa kapareha sa
pagsasanay 2? Nahirapan ba sa pagtukoy habang lumiliit ang detalyeng binabago?
Bakit? Nahirapan ba sa pagtukoy ng tao at salamin sa pagsasany 3? Bakit? Ano
ang isinaalang- alang ang pagtukoy? Sa mga nagtatanghal, paano tiniyak na
malihim ang papel ng magkapareha? Natutukoy ba ng maagap ang pagpapalitan ng
papel ng magkapareha? Ano ang pakiramdam sa pagsasanay 4? Ano ang isinaalang-
alang sa pagsasalamin ng tunog? Ng kilos? Ng kilos at tunog? Paano tumiyak ang
wastong pagsasaayos ng mga nagtatanghal sa pagsasanay 5? Ano ang isinaalang-
alang sa hanay? Sa kilos? Talakayin ang kahulugan at kahalagahan ng
obserbasyonsa yugtong ito.
TALAKAYAN:
Nagiging
madali para sa aktor kung ang tauhan kanyang ginagampanan ay malapit sa kanyang
personalidad. Ngunit kung hindi, lumalaki ang tungkuliun ng aktor sa pagganap. Dito, malaki ang maitutulong ng
husay sa pagmamasid. Kung ang tauhang pagampanan ay isang matanda halimbawa at
ang aktor ay talagang bata pa, maaari siyang magsimula sa pagmamasid sa panlabas na kaanyuan ng isang matandang
humigit kumulang sa kawangis o kasing- edad ng tauhan. Ano ang kulay ng buhok?
Msa marami bang puti kaysa itim? Malago,
panot o halos kalbo na ba? Marami na bang gitla sa mukha? Kulubot na ba
ang balat? Paano siya tumayo? Paano
magsalita? At marami pang iba. Sa ensayo naman kinakailangang maging mapagmasid
ang aktor lakip ang talas ng memorya. Dapat alam niya ang pagkakaayos ng
entablado. Mahalaga din niyang masudan ang itinalaga ng direktor na
blocking(sumangguni sa aralin XI) niya at ng kapwa aktor . Gayundin ang
koryograpiya kung ang dula ay may lakip na sayaw.
Aralin V. ANG
KATAWAN
Pangunahing
instrumento ng aktor sa pagtatanghal ang kanyang katawan. Sa pamamagitan ng
kilos at galaw, nakapagpahayag ng damdamin o mensahe ang aktor. Higit na
napapahusay ito kung namumulat siya sa ugnayan ng internal atv eksternal na bahagi ng katawan at
nagagamit ang mga ito upang tumugon sa pangangailangan ng tauhang gagampanan o
ng dula sa kabuuan. Mayroong dapat na bahaging inukol dito ang sub-
aralin.K.KILOS at GALAW mula sa aralin II. Hindi maaaring paghiwalayin ang
katawan sa kilos at galaw. Ganoonpaman ang pukos sa yugtong ito ay bigyang diin
ang katawan bilang inatrumentong siyang lumilikha ng kilos at galaw sa
entablado. Kasama ng pagsasanay sa pantomina at sayaw.layunin ng araling ito na
hubugin ang pleksibidad ng katawan at ipakita ang malawak ng potensyalidad nito
sa pagtatanghal.
Pagsasanay 1.
PAGPAPAHINGALAY (RELAXATION) AT TENSYON
(TENSION)
Proseso:
1.
“ANG LOBO”. Hikayatin ang mga estudyante na
humanap ng komportableng espasyo at tumayo. Ipikit ang mga mata. Huminga ng
ilang ulit. Gamitin ang wastong paghingang itinuro sa Aralin III (diaphragmatic
breathing). Sa pamamagitan ng imahinasyon, palitawin sa kanang palad ang isang
deflated na lobo. Tingnan ang itsura ng lobo. Malaki ba? Maliit? Ano ang
kuulay? Hipan ang loob ng lobo. Palakihin sa nais na laki. Ingatang huwag
pumutok ang lobo. Itali ang dulo pagkatapos hipan. Yakapin ang lobo. Anu ang
pakiramdam? Paglaruan ang lobo. Tiyaking naka-pukos ang bawat estudyante sa
sariling lobo. Maglaan ng sapat na panahon sa paglalaro ng lobo hanggang sa
matiyak na nakatuon na ng husto ang mga estudyante sa ginagawa. Matapos,
hawakan ang lobo sa isang palad at magpalitaw ng karayom sa kabilang palad.
Putukin ang lobo.
2.
MANIKANG BUHANGIN. Panatilihing nakatayo at
nakapikit ang mga estudyante. Huminga ng ilang ulit. Ipilantik (fluck) ng banayad ang katawan. Huminto.
Sa pamamagitan ng imahinasyon, palitawin ang isang manika sa tapat ng mga mata.
Ang labas ng manika ay gawa sa basahan at ang loob ay buhangin. Masdan ang
manika. Sa bilang ng sampu, ang mga estudyante’y magiging manikang buhangin.
Ang tinig ng instruktor ay isang karayom. Bubutasan ng karayom ang mga bahagi
ng katawan ng manika – ang ulo, leeg, balikat, likod, braso, hita, binti, paa –
at unti-unting aawas ang buhangin palabas. Kung naka-pukos sa pagsasanay, ang
mangyayari sa aktwal ay ang unti-untin g pagbagsak ng mga bahagi ng katawan ng
estudyante dahil iniisip nitong siya’y walang buhay at aang buhangin lamang ang
nakapagpapatindig sa kanya. Sa huli’y maiiwang nakalupasay ang mga estudyante
sa sahig. Tiyakin ang konsentrasyon sa pagsasanay. Tulungan ang mga
estudyanteng may suliranin sa imahinasyon. Halimbawa, kung may estudyanteng
nananatiling nakatayo kahit nakarating na sa paa ang butas ng manika maaaring
paunlarin ang instruksyon. Lakihan ang butas. Maaari ring palitan ang karayom
ng gunting o kutsilyo at laslasin ang manika. Ano’t anoman, kailangang
mahikayat ang estudyante na kumilos at umangkop sa daloy ng instruksyon.
3.
GRABITI (gravity).
Mula sa pagkakalupasay sa MANIKANG BUHANGIN, isaayos ang posisyon ng mga
estudyante. Gagawin ito ng mga tagapadaloy. Jhiga ang mga estudyante ng palapat
sa porma ng titik “A”. Huminga ng ilang ulit. Tiyaking nakapahingalay ang mga kalamnan. Matapos, hikayatin ang mga
estudyante sa lagyan ng tensyon ang katawan. Isiping unti-unting nagiging
semento ang mga bahagi ng katawan. Unahin ang paa hanggang hita sa bilang ng
sampu. Kailangang maging sing-tigas ng semento. Bumalik sa pahingalay sa
bilnang din ng sampu. Kailangang dahan-dahan ang paglalagay ng tensyon at
paghingalay upang hindi masaktan ang mga kalamnan. Isunod ang paa hanggang
dibdib. Paa hanggang braso’t balikat. Buong katawan. Gawin ang bawat yugto sa
bilang ng sampu. Tiyakin ding nagpapaninga upang pababain ang tensyon sa
katawang sa bawat yugto.
Pagsasanay 2: IBA’T IBANG MUKHA
Proseso:
1.
Bumuo ng tatlo hanggang pat na hanay. Sa bagsak
ng tambol guluhin (distort) ang mukha at huminto. Gamitin ang lahat ng parte ng
mukha. Gawing eksaherado. Tiyak na sa umpisa’y magtatawanan ang mga estudyante.
Sikaping mapanatili ang pukos at konsentrasyon sa pagsasanay. Gawin ito ng
ilang ulit hanggang mapalagay ang mga estudyante sa ginagawa. Mag-eksperimento
sa iba’t ibang mukha. Sa kalaunan, maaaring bilisan ang pagpapalit ng mukha sa
pamamagitan ng sunod-sunod na tambol.
2.
Hatiin sa dalawang grupo ang mga estudyante ---
magtatanghal at manonood. Iposisyon ang mga magtatanghal sa entablado na parang
magpapakuha ng group picture. Ang bagsak ng tambol an “click ng camera” na
kailangang sundan ng panggulo ng mukha. Gawin ng ilang ulit. Magandang hamon
ito sa konsentrasyon at inhibisyon sa pagtatanghal dahil kailangan nilang gawin
sa pagsasanay sa harap ng reaksyon ng manonood. Ganoon paman, hikayatin ang
mgaa manonood naa umalalay sa mga nagtatanghal.
3.
Lakipan ang nakahintong kilos ang paggulo sa
mukha. Sa umpisa, gawin ang pagsasanay sa sarili lamang. Gamitin ang buong
katawan. Sa paag-usad ng pagsasanay, hikayating umugnay sa kilos ng kapwa
estudyante. Tiyakin ding naag-e-eksperimento sa iba’t ibang mukha. Kumilos
papasok sa gitna ng entablado. Magtatapos ang pagsasanaay saa isang tableau.
Pagsasanay 3. ZIGZAG – TUGON
Proseso:
0.
Ito ay tulad din ng ZIGZAG – SALAMIN (Aralin
IV). Ngunit sa yugtong ito, hindi sinasalamin ng sumusunod na estudyante tunog,
kilos o kumbinasyong tunog at kilos ng sinundan kundi tinutugunan sa
pamamagitan ng paglikha sa sariling tunog, kilos o kumbinasyon bilang
ispontanyong sagot sa nauna. Tingnan ang larawan #5 saa Aralin IV. Gawin ang
pagsasanay sa tatlong bersyon nito --- tunod lamang, kilos lamang at
kumbinasyong tunog at kilos. Maaaring mag-alinlangan sa umpisa ang mga
estudyante sapagkat dito’y hindi sila gumagaya kundi lumilikha ng sarili. Gawin
ng ilang ulit ang pagsasanay habang hinihikayat na hamunin ng estudyante ang
sariling pagkamalikhain.
Pagsasanay 4: “IBA’T IBANG TRABAHO”
Proseso:
1.
Hatiin sa dalawang grupo ang mga estudyante.
Magtalaga ng isang tagapagdaloy sa bawat grupo. Bumilog at umupo.
2.
Isa-isa pumili ng estudyante at papasukin sa
gitna ng entablado. Kikilos ang estudyante ng nagtatrabaho o gumagawa ng isang
bagay. Kailangang ipakita ang buong proseso mula sa umpisa hanggang sa wakas.
Gawin ito nang walang kasamang diyalogo. Halimbawa, kung ang ginagawa ay
bumubuo ng silya,magsisimula ang paaggawa sa pagahahanda ng mga gaamit na
kakailanganin. Dapat maging malinaw ang mga kasangkapan at gamit sa mga ito.
Pansinin ang mahusay na gamit sa imahinasyon at malaking kilos. Habang
nagaganap ang pagggawa, tanungin sa mga manonood kung ano ang nakikita. Ano ang
mga gamit sa kasangkapan? Tama ba ang hawak sa mga ito? Wasto ba ang paraan ng
pagpukpok o paglagari? Ano na ang naabot sa paggawa? May paa na ba ang silya?
May sandalan ba? At marami pang iba.
Pagsasanay 5. “HAYOP”
Proseso:
1.
Pahanapin ang mga estudyante ng komportableng
espasyo at maupo. Ipikit ang mga mata. Magpahingalay. Gamit ang imahinasyon,
palitawin sa harapan ang isang hayop. Pagmasdan ang hayop. Ano ang itsura? Ano
ang kulay? Gaaano kalaki? Paano ito tumitindig? Paano ito kumikilos? Ano ang
tunog na nililikha?
2.
Sa bilang ng sampu, hubugin ang katawan ayon sa
na napili. Dumilat sa bilang na lima. Kumilos. Lakbayin ang buong espasyo
taglay ang katauhan ng hayop. Likhain ang tunog. Iwasan munang makipag-ugnayan
sa ibang hayop. Maghanap ng pagkain. Kumain. Uminom. Dumumi. Matulog.
Makihalubilo sa ibang hayop. Maglaan ng sapat na panahon sa pagsasanay na ito.
Magpahingalay pagkatapos.
IMBENTARYO:
Paano
nilikha ang lobo sa pagsasanay 1? Nahirapan bang paglaruan ang lobo at isiping
ito’y totoo kahit likhang isip lamang? Ano ang pakiramdam habang ginagawa ito?
Ano ang nagaganap habang umaawas ang buhangin sa katawan ng manika? Ano ang
pakiramdam ng katawan habang nagaganap ito? Nang maubos na ang buhangin? Nang
maging semento? Ano ang pakiramdam sa pagsasanay 2? Paano lumikha ng ibat ibang
mukha? Anu-ano ang naging suliranin dito? Ano ang napansin nang sinamahan ng
kilos ang paggulo ng mukha? Anu-ano ang naging suliranin sa paglikha ng sagot
na kilos sa pagsasanay 3? Nag-aalinlangan bang kumilos? Iniisip ba kung ano ang
ikikilos o ispontanyong lumalabas? May epekto ba ang kilos ng naunang kasama sa
sariling kilos? Nagamit ba ang buong katawan? Paano ginamit at nilikha ang mga
di nakikitang bagay sa pagsasanay 4? Nalapatan ba ng tamang bigat at gaan o
bilis at bagal ang mga kasangkapan? Ano ang pakiramdam ng kalamnan habang
gumagawa? Ano ang pakiramdam sa pagsasanay 5? Paano nilikha at sinanib sa
sarili ang hayop? Nagamit ba ang buong katawan?
TALAKAYAN:
Ang
sining ng dulaan ay isang tuwirang (direct)midyum naa pangunahing kinatatangian
ng aksyong aktwal na nagaganap sa entablado. Ang aksyong ito’y ginagawa ng mga
aktor sa harap ng maraming manonood. Kaiba ito sa telebisyon o pelikula kung
saan ang namamalas ng maanonood ay aksyong naganap naa at sa ibat ibang anggulo
nito --- malayo at malapit--- sa tulong ng kamera at iskrin. Dahil dito,
sinasabing ang kilos at galaw sa entablado ay higit na malaki kaysa aktwal.
Hindi nito ibig sabihing eksaherado dapat ang kilos. Bagkus, tinutukoy nito na
kailangang maging malinaw ang kilos at sapat ang laki upang makita ng
kahuli-hulihang hanay ng manonood. Idagdag pa na kailangang tiyak ang kilos
sapagkat hindi na ito maaaring ulitin (sakaling magkamali) na tulad na take 2
sa pelikula.
Ginagamit
ng aktor ang buong katawan sa pagtatanghal. Sa makatuwid, kailangan niyang
pag-aralan at hasain ang mayamang kakayahan nito sa masining na pagpapahayag.
Mahalaga ang pagwawaksi ng tensyon at pagpapahingalay bilang preparasyon sa
pagsasanay sa katawan. Inihahanda nito ang katawan sa pagtanggap ng bigat o
hirap ng mga susunod na mga pagsasanay. Kailangan ding pag-ukulan ng mahabang
panahon ang paghuhubog sa pleksibilidad. Dagdag dito, malaki din ang
maitutulong ng pagsasanay sa pantomina at sayaw.
Aralin VI.
PAKINIG
Importanteng sangkap ng pagiging makatotohanan ng pagganap sa entablado
ang pakikinig. Pinakikinggang mabuti ng isang aktor ang sinasabi ng kapwa
aktor, isinasadiwa (internalize) niya ito at hinaahayaang maakpektuhan ang
damdamin. Sa ganitong kalagayan, nagiging natural ang pagganap sapagkat ang
nililikha’y organikong palitan ng damdamin. Kaugnay ng pakikinig ang
komprehensyon.
Walang pag-unawa kung
walang pakikinig. Kahit totoong may likas na damdaming nakapaloob sa bawat
linya ng iskrip magiging mababaw ang paglalapat ng emosyon kung hindi
nakikinig. Idagdag pa na nahihiwalay ang aktor sa iba sa pagkat iniisip lamang
niya ang sariling linya at mekanikal na binibigkasang susunod na dyalogo.
Layunin ng sumusunod na pagsasanay na hasain ang pakikinig ng mga estudyante at
hamunin ang kanilang pang-unawa.
Pagsasanay 1. TURO-TURO
Proseso:
1.
Kung malaki ang bilang ng mga estudyante,
maaaring hatiin sa dalawa ang grupo.
(Bumuo ng malaking bilog at umupo)
2.
Pupwesto sa gitna ng bilog ang instruktor.
Hikayatin ang mga estudyante na magbigay ng pangalan ng isang tauhan at lunan.
Magsisimula ang paagsasanay sa pagturo ng instruktor sa isang estudyante na
kailangang mag-umpisang maglahad ng isang kuwento batay sa tauhan at lunan na
nabanggit. Sa anomang bahagi ng pagsasalita ng estudyante ay maaari siyang
putulin ng instruktor sa pamamagitan ng isang palakpak at tumuro sa isa pang
estudyante na kailangang dugtungan ang bahagi ng kwentong naputol. Pansinin ang
lohikal na pagtatagni ng kuwento. Iwasan ang pag-uulit ng huling salita nang
naaunang estudyante. Kung matamang nakikinig ang isang estudyante, kaya niyang
panatilihin ang gramatikong istruktura ng pangungusap nang hindi inuulit ang
huling salita ng sinundan, at ituloy ang kuwento nang hindi gaanong lumalayo sa
konsepto ng nauna. Iwasan din ang mahabang patlang. Paunlarin ang kuwento.
Hikayatin ang matalas na pakikinig. Kapag narinig ang tatlong palakpak, ang
sino mang ituturo ng instruktor ang siyang magwawakas ng salaysay.
Halimbawa;
(
palakpak ng instruktor at ituturo si …. )
Estudyante
A: “ Maaga pa lamang ay nagtatrabaho na sa bukid…” (palakpak, turo kay …)
Estudyante
B: “Si Mang Tano. Bakas sa sunog na
balat … (palakpak, turo kay….)
Estudyante
K: “ at namumutok na mga ugat aang hirap ng buong buhay na pagkaalipin sa
lupa.”
Ito ay halimbawa lamang. Kailangang bigyan ng sapat na
panahon ang mga estudyante na isulong ang kuwento. Iwasan ang mga sumusunod:
a.
Pag-ulit ng huling salita:
Estudyante A: “
Maaga pa lamang ay nagtatrabaho na sa bukid ..” (palakpak,turo kay…)
Estudyante B: “
sa bukid … si Mang Tano ..”
b.
Mahabang patlang:
Estudyante A: “ Bakas sa sunog na
balat …” (palakpak, turo kay…)
Estudyante B: “ ummmm….aaaahhhh …
at … at namumutok na ugat” (hindi dapat humigit sa sampung segundo ang patlang)
Pagsasanay 2. DUGTONG – DUGTONG
Proseso:
0.
Ang pagsasanay na ito’y tulad din nmg TURO – TURO. Subalit sa pagkakataong ito,
ang paglikha ng kwento ay paikot (pakanan o pakaliwa) mula sa magsisimulang
estudyante at sa pamamagitan ng isang salita lamang sa bawat estudyante. Higit na hinahamon ang matamang pakikinig ng ganitong
proseso. Maglaan ng sapat na panahon sa pagsasanay na ito. Sundin ang mga paala
– ala sa TURO- TURO. Iwasan ang pag- uulit ng huling salita at mahabang
patlang. Paularin ang kwento. Kapag
narinig ang tatlong palakpak ng instruktor, kailangang nang wakasan ang
kwento, ngunit sa paisa-isang salita din.
Halimbawa:
Estudyante
A: “ maaga…..”
B: “pa…”
K: “lamang……..”
D: “ay…”
E: “ nagtatrabaho “… etc..
Pagsasanay: 3: ANG ANITO
Proseso :
1.
Bumuo ng grupo na may tatlo hanggang apt na
kasapi. Ang grupo ay gaganap na anito ng primitbong panahon na
kinukunsulto ng mga tao sa lahat ng kanilang tanong o suliranin. Kukuha
na anomang tanong ang instruktor sa mga
manonood at ito’y kailangang sagutin ng
grupo sa paraang paisa-isang salita (DUGTONG – DUGTONG ). Bukod sa pakikinig,
kailangang sikapin ng mga kasapi ng grupo na mapag – isa ang diwa at
isip. Iwasan ang pag ulit ng huling salita at mahabang patlang. Upang higit na
maging kasiya – siya ang pagtatanghal,
hikayatin ang anito na lumikha ng isang maikling kilos o koryograpiya na
gagawin bago at matapos sagutin ang tanong. Bigyan ng panahon ang mga kasapi ng grupo na mag ensayo sa
kilos.
IMBENTARYO:
Ano ang obserbasyon
sa pagsasanay? Ano – ano ang naging
suliranin sa paglikha ng kwento sa pagsasanay 1? Sa pagsasanay 2? Sa pagsasagot
ng mga tanong sa pagsasanay 3? Nagawa bang sikaping makinig ng mabuti?
TALAKAYAN:
Kung maikli lamang ang panahon bg espasyo sa dula, lalong
dapat pag- ibayuhin ang pakikinig. Malaking tulong ito sa aktor sa paglalapat
ng kinakailangang damdamin ng linya at karakterisasayon ng tauhan, na hindi
napag uukulan ng direktor ng pansin sa nabanggit na kalagayan. Sa kabilang
banda, may mga aktor na tumitigil na sa pakikinig sa isa’t isa kung paulit-
ulit na ang ensayo sa eksena o mahaba ang panahon ng ensayo ng pagtatanghal.
Nadadala nila ang ganitong mekanikal na ugnayn hanggang sa aktwal na palabas at
ang resulta’y parang nagbabasa lamang sa
isip ng iskrip. Hindi makatotohanan ang
damdamin at sa gayo’y hindi rin maaantig ang manonood. Nagiging kabagot-bagot
ang ganitong pagtatanghal at karaniwang maririnig sa manonood na “umaarte lamang” ang aktor sa halip na
“kapani-paniwala” ang pagganap. Sa lahat ng pagkakataon, ensayo man o aktwal na
palabas, kailangang makinig ang aktor sa kapwa aktor,direktor at iba pang islap
ng produksyon.
ARALIN VII.
ENSEMBLE
Ang ensemble (an – samb) ay terminong Pranses
na ginagamit sa dulaan. Ito ay isang disiplina sa oagtatanghal na tumutukoy sa
pag-uuganayan at pagtutulungan sa pagitan ng lahat ng tao ( aktor o istap)
nasangkot sa pagbubuo ng dula. Itinuturo ng ensemble ang sama- samang
pagkilos ng mga tauhan ng may iisang isip at damdamin upang makamit ang layunin
ng dula. Binibigyang diin din nito na walang malaki at maliit na papel o
tungkulin. Hindi mabubuo ang dula kung hindi nakikilahok at nagkakaisa ang
lahat. Sa ensemble, nahuhubog ang
pagtitiwala at kooperasyon. Sa madaling salita, kolektibong paggawa.
Pagsasanay I. ANG MAKINA
Proseso:
1 . Isa- isa, hikayatin ang mga
estudyante na pumasok sa loob ng entablado at lumilikha ng isang kilos na
mistulang makina (matigas , tiyak, may sukat, may hugis, paulit-ulit). Samahan
ang kilos ng mekanikal na tunog. Tiyaking nag uugnay ang kilos nma mga
estudyante bilang baha- bahagi ng isang makina. Iwasan ang pagkapare-pareho ng
kilos at tunog. Mageksperimento. Pansinin ang lebel at direksyon. Hindi kailangang tumukoy ng isang partikular na
makina. Ang mahalaga ay nakikita ang katangiang mekanikal sa pamamagitan ng
integrasyon ng mga kilos.
2.
Lakipan ng elemento ng bilis ang pagsasanay. Bumilang ng isa
hanggang sampu katumbas ng pagbagal o pagbilis ng kilos. Maaaring sunod-sunod
ang paglipat-lipat ng bilang. Maaari ding gamitin ang bilang ng zero (0)_
katumbas ng paghinto ng makina. Sa
ganito, nahihikayat ang mga estudyante na ibayong maging sensitibo at umugnay
sa kilos at bilis ng kasama.
Pagsasanay 2: CROSS- LINE
Proseso:
1.
Humanap ng tatlo hanggang apat na pares at
papasukin sa entabllado. Magtalaga ng bilang sa bawat pares. Magkatalikod ang
pares. Sa katagang “telon”, pa- minang dadamputin ng mga aktor ang isang
likhang isip na telepono at magsisimulang mag- usap ang pares. Maglaaan ng
ilang sandali upang umusad ang
kumbersasyon. Sa kataga ng instruktor na “isa”, kukunin ng pares #1 ang pokus ng pagtatanghal sa
pamamagitan ng paglakas ng bolyum ng paguusap (mas ,malakas sa bolyum na
sinimulan ng lahat) ngunit hindi titigil
ang kumbersasyon ng ibang pares. Sa katagang “dalawa” kukunin ng pares #2 ang
pokus at ilakas ang kanilang bolyum samantalang magbabahagi ng pokus at ilalakas ang kanilang bolyum samantalang
magbabahagi ng pokus ang pares ang pares
#3 ang pokus at magbabahagi ang pares
#2, hanggang ang pokus ay makarating sa
pares #4 sa ganitong proseso. Hikayatin ang wastong gamit sa boses at
pagbigkas (aralinIII). Paunlarin ang
improbisyon sa diyalogo. Maraming usapingb pwedeng pagtralakayin.
2.
Matapos
makarating sa pares #4 ang pokus
, maaari nang magpalipat-lipat ng pokus sa hudyat pa rin ng instruktor. Sundin pa rin ang mga
paalala sa unang hakbang.
3.
Maaari
ding hikayatin ang mga estudyante na magpalit-lipat ng pokus ng walang hudyat
mula sa instruktor. Kung nakamit na ang koordinasyon, maaari nang tapusin ng
unstruktor ang pagsasanay.
Pagsasanay 3: MONUMENTO
Proseso:
0.
Hatiin sa dalawa ang grupo- magtatanghal at
manonood. Hikayatin ang isa sa sinomang magtatanghal na pumasok sa entablado at
lumikha ng isang nakahintong kilos. Hayaang obserbahan ang ibang estudyante ang
posisyon. Maaaring wala o mayroong emosyong kalakip ang likhaing posisyon. Kung
handa na ang sino man, hikyating pumasok sa entablado at umuugnay o dumugtong sa naunang posisyon. Isa – isa
lamang ang pasok. Mag eksperimento sa paggamit
ng katawan. Ang mabubuo sa isang tableau. Sa umpisa ay maaaring
magmukhang hiwa – hiwalay ang konsepto ng bawat isa, kahit literal na
magkakaugnay ang kanilang katawan. Gawin ang pagsasanay ng ilang ulit hanggang
unti- unting lumitaw ang pagsisikap na pag- isahan ang kilos at mensahe ng
tableau. Kunin ang obserbasyon ng manonood. Ano ang nakikita? Magkauanay ba ang
kilos? Hiwa – hiwalay? May mensahe bang ipinapaabot ang tableau? Magpalit ng
papel ng grupo pagkatapos.
1.
Ulitin ang proseso sa itaas. Subalit sa yugtong
ito, magtakda ng lunan. Ang lilikhang tableau ay batay sa lunang nabanggit.
Halimbawa: urban poor community,
pabrika, bukid, bahay, paaralan, ospital, palengke, simbahan, gubat,
bangketa/lansangan, jeep.
Pahulaan sa mga manonood ang
tableau. Isa-isang tatapikin ng instruktor ang mga estudyante na kailangang
kumilos ayon sa tauhang ginagampanan at ugnayan sa isa’t isa na nilikha mula sa
tableau. Hayaan munang isulong ang improbisasyon sa kilos lamang. Sa palakpak
ng instruktor, samahan ng salita ang improbisasyon. Paunlarin ang eksena.
Tingnan kung may nabubuong kuwento. Pansinin ang pang-angkop at pagbibigyan ng
pokus. Magpalit ng papel ng grupo pagkatapos.
Pagsasanay 4. PAHULAAN
Proseso:
2.
Bumuo ng tatlo hanggang apat na grupo. Magtalaga
ng aksyon sa bawat grupo. Ang aksyon ay dapat ginagawa ng mga kaapi ng grupo
nang sama-sama at ipapakita sa kilos lamang. Magbigay ng sapat na panahon para
sa ensayo.
Halimbawang aksyon: nagtutulak ng patay at
nabubulok na kalabaw; digestive system, mula pagsubo hanggang pagdumi ng
pagkain (ipakita ang nangyayaring proseso sa loob ng katawan); konstruksyon ng
LRT; sunog sa kagubatan (huwag gumamit ng human subject)
Pumili ng mga aksyong humahamon sa
pagkamalikhain ng mga estudyante. Hanggat maaari, iwasan ang masyadong maraming
human subject sapagkat madali itong
mahulaan at gayo’y dagling natatapos ang improbisasyon. Hayaang magmasid sa
pagtatanghal ang mga grupong naghihintay sa kanilang bilang. Pahulaan sa mga
manonood ang aksyon. Hanggat hindi pa nahuhulaan, kailangang tuloy-tuloy lamang
ang pagkilos. Hikayating paunlarin o ibahin ang atake sa aksyon kung kailangan
upang higit na maging malinaw.
IMBENTARYO:
Paano nilikha ang makina sa pagsasanay 1?
Ano ang isinaalang-alang sa pagpasok at paggalaw sa entablado? Ano-anu ang
naging suliranin sa improbisasyon? Nagawa bang umugnay sa kilos ng ibang
kasama? Ang nalikha ba’y isang buong makina? Ano ang pakiramdam sa pagsasanay?
Ano ang napansin nang lahukan ng bilis o bagal ang makina? Nagawa bang umugnay
sa bilis o bagal ng kilos ng ibang kasama? Nakamit ba ang koordinasyon sa
pagkilos at paghinto ng makina? Paano kumuha at nagbabahagi ng pokus sa
pagsasanay 2? Nakikinig ba at naiintindihan ang pag-uusap habang pinakikinggan
ang hudyat ng instruktor? Nang nawala ang hudyat, paano ginawa ang pagkuha at
pagbabahagi ng pokus? Nagawa bang makinig at magsalita ng sabay habang tinitiyak ang komprehensyon? Anu-ano ang
isinaalang-alang sa paglikha ng nakahintong kilos sa pagsasanay 3? Nahirapan
bang umugnay sa kilos ng iba? May nalikha bang mensahe ang monumento? Paano
nilikha ang monumento ng lunan? May ugnayan ba ang tauhang napili? May mensahe
bang naaipahatid sa yugtong kilos lamang ang nakikita? Nagkaroon ba ng pagkuha
at pagbibigayan ng pukos sa yugtong kilos lamang ? sa yugtong kilos at
diyalogo? May nabuo bang kuwento sa improbisasyon? Paano tiniyak ang
pagpapaabot ng mensahe sa aksyon sa pagsasanay 4? Ano-ano ang naging suliranin
dito? Ipakita ang depinisyon at kahalagahan ng ensemble.
TALAKAYAN :
Integrasyon at team work ang mga susing
salita sa enesmble. Bagaman may
kani-kaniyang papel na ginagampanan ang bawat isa, magkakaugnay na kumilos ang
lahat patungo sa isang direksyon – ang pinakamahusay, pinakamakatotohanan at
pinakamalinaw na pagpapaabot ng mensahe ng dula. Sa batayang antas pa lamang ng
pagsasanay sa sining ng dulaaan. Binibigyang diin na ang pagpapahalaga at
pagsusumikap na kamitin ang ensamble
sa lahat ng aspeto o anomang yugto ng pagbubuo ng dula. Sa mas ispesipikong
saklaw ng dulaan, partikular saa
pag-arte, ang ensemble ay isang
ultimong penomenon sa entablado kung saan dalawa o higit pang mga aktor ay
nagpapahayag ng mga organikong damdamin, inaantig ang bawat isa sa kanilang
ugnayan at sa paraang hinihingi ng dula. Nagtutulungan ang kanilang mga
enerhiya at sila’y dinadala sa mas mataas na antas ng pagganap. Kung may ensemble, ang manonood ay lumalabas sa
pinto ng likhang – isip at pumapasok sa silid ng realidad upang maging bahagi
ng katotohanan ng dula.
Aralin VIII.
LUNAN
Walang aksyong hindi nagaganap sa isang tiyak na lunan. Bahagi ito ng katotohonan ng
aksyon. Tinutukoy nito ang lugar at panahon ng kaganapan, bagaman prisipal ang
una. Sa tuwina, kailangang mulat ang aktor sa kapaligiran ng eksena. Hinahamon
ng lunan ang imahinasyon na aktor at hinihikayat siyang gumawa ng mga
kapani-paniwalang kilos. Lagi’t lagi ng may epekto ang lunan sa anomang
sirkuntansya o pangyayari.
Lahat ng eksena’y may “sino”
“ano” at “kailan” subalit laging nagsisimula sa “saan”. May tatlong
pangkalahatang uri ang lunan na isinaalang- alng sa dula.
MGA URI NG LUNAN:
a.
Kagyyat na lunan – ito ang kapaligirang pinakamalapit
sa aktor. Kabilang dito ang set, props –
lahat ng materyal na bagay sa ibabaw ng tanghalan (lamesa, silya, aparador,
etc…)
b.
Lunang kinapapalooban – ito ang kapaligirang
sinasakop sa kagyat na lunan. Ang eryang kinalalagyan ng mga bagay sa entablado
– bahay, silid tanggapan ospital.
k.
lunang higit na masaklaw – ito ang kapaligiran sa labas ng lunang kinapapalooban. Ang erya sa
labas ng pinto o bintana ang siyudad, mga gusali kanayunan mga bundok,
kagubatan, kalangitan at iba pa.
ilang beses nang nagamit ang lunan
sa mga naunang pagsasanay. Gayunpaman, kayuning ng araling ito na talasan ang
imahinasyonm ng mga aktor at ibayong biigyang pansin na pag- angkop sa lunan ng
aksyon.
Pagsasanay 1. NASAAN AKO?
Proseso:
1.
Humanap na boluntir. Sa sarili, umisip ng lunan.
Pumasok sa entablado at likhain ang “saan” sa pamamagitan ng paglikha at pa-angkop sa isang bagay na
matatagpuan sa napiling “saan”. Huwag i-drawing sa hangin ang bagay. Likhain
ang bagay sa pamamagitan ng paggamit dito. Kung sa tingin ng iba’y alam na ang
saan, isa – isang papasukin ng mga
estudyante. Lumikha ng “sino” at
gamitin ang isa pang “bagay”. Umugnay sa lunan ng naunang estudyante. Paunlarin
ang eksena. Gawin ang pagsasanay ng ilang ulit.
2.
Isulong ang improbisasyon. Lagyan ng diyalogo
ang eksena. Hikayating bumuo ng kuwento ang mga estudyante. Pansinin ang pag –
angkop ng kilos at diyalogo sa lunan.
Pagsasanay 2: “LABAS
- PASOK”
Proseso:
1.
Gaqwin ang pagsasanay ng paisa – isa. Papasok
ang estudyante sa entablado at lilikha ng isang eksena sa pamamagitan ng
paglikha ng lunan at aksyon. Ang layunin
niya ay ipakita kung ano ang sinundang eksena (lunan at aksyon) ng
kasalukuyan niyang ginagawang eksena.
Halimbawa:
Galing sa pamamalengke (offstage), papasok ang aktor sa
entablado at lilikhain ang lunan ng kusina ( “saan” ) – ibababa ang basket sa
lamesa, ilalabas ang mga pinamili at maghahanda ng gamit sa pagluluto. Tanungin
ang mga manonood. Saan galing ang aktor?
2.
Baliktarin ang eksena. Paisa – isa pa rin.
Lilikha ng lunan at aksyon ang estudyante at lalabas ng tanghalan pagkatapos.
Ang layunin ng aksyon ay ipakita kung saan siya pupunta o kung ano ang susunod na eksenang magaganap (offstage).
Halimbawa:
Inaantok pa at marahang kumakain ang aktor. Pag – inom niya ng tubig ay napatingin sa relo sa bisig.
Nataranta. Hindi tatapusin ang pagkain at mabilis na kukunin ang sinampay na
tuwalya. Isusukbit sa balikat. Tatakbo sa isang panig ng entablado. Magbubukas
ng switch ng ilaw. Magbubukas ng pinto.
Lalabas ng tanghalan. Tanungin ang manonood. Saan pupunta ang aktor?
Pagsasanay 3: “ISANG ARAW SA BUHAY KO”
Proseso:
1.
Humanap ang komportableng espasyo. Tumindig.
Magmumungkahi ang instruktor ng araw. Oras, panahon, o okasyon. Sa pamamagitan
ng kilos, ipapakita ng mga estudyante kung
nasaan sila at ano ang kanilang ginagawa sa araw, oras, o okasyong
nabanggit. Pansinin ang malinaw na gamit sa mga bagay na matatagpuan sa lunan.
Halimbawa:
Lunes hanggang linggo (lakipan ng oras) kaarawan pasko,
bagong taon mayo uno etc.
IMBENTARYO:
Ano ang isinaalang – alang sa paglikha ng lunan sa
pagsasanay 1? Paano tiniyak na iisa ang lunang nililikha kahit hindi
pingplanuhan at hindi pinagplanuhan at
kahit yugto – yugto ang pagbuo? Ano – ano ang naging suliranin dito. Sa
pagsasanay #2 ano ang nagawa ng nilikhang lunan upang ipakita ang eksenang
pinanggalin o pinantuhan? Nakatulong ba
ang lunan upang paunlarin ang aksyon? Paano nakatulong ang panahon sa
pagpapaunlad ng aksyon sa pagsasanay 3?
TALAKAYAN:
Pinauunlad ng pagsasanay sa lunan ang imahinasyon ng aktor
at inilalatag ang panimulang antas ng
katotohanan sa pagsasadula. Hindi natin kayang ilagay sa entablado ang
buong bahay, pabrika, o bukid. Kahit ang lunan ay isang maliit na dampa, hindi
natin malilikha ang lahat ng aktwal na bagay sa loob at labas nito. Bukod sa
magastos ang ganirto, ay maaksaya pa. ang magagawa lamang natin ay
likhain ang impersyon ang lunan. Dito pumapasok ang tungkulin ng aktor
na gamitin ang sariling pagkamalikhain, kumpletuhin ang ilusyon ng lunan at
gawin itong kapani – paniwala. Magagawa ito kung malinaw sa aktor amg larawan
ng kagyat na lunan, lunang kinapapalooban at lunang higit na masaklaw.
Tumutulong ang lunan na sagipin ang isang “namamatay na
eksena” sa pamamagitan ng paghahain ng maraming posibleng aksyon na maaaring
paunlarin. Halimbawa kung ang eksena ay demolisyon ng mga bahay sa maralitang
komunidad na puro hiyawan at takbo proo’t
parito na lamang ang ginagawa ng
mga aktor, maaaring pagtinginan ang eksena
sa pamamagitan ng motibasyon ng
lunan - kalansay na ang mga bahay
nakahambalang ang mga kasangkapan,, may
batang umiiyak sa gitna ng kaguluhan, may dumating pang trk ng bumbero at militar, umulan at
nagputik ang daan may matandang babaeng tinamaan ng baril- kahit hindi aktwal
na nakikita sa tanghalan.
ARALIN IX.
GIBBERISH
Gibberish ang tawag sa anumang bigkas na walang
istraktura at ibig sabihinpagsasama- sama ng mga pantig na walang kahulugan. Nagkakaroon
ito ng kabuluhan kung lalakuhan ng kilos
at galaw. Sa pamamagitan ng gibbership higit na napapalitaw ang kakayahang
pisikal sa pagpapahayag ng aktor.
Hinahhamon siya na ilabas ang damdamin ng aksyon. Sa ganitong paraan
niya sinisikap na kamitin ang layunin o mensahe ng aksyon. Iniiwasan ng gibberish ang estilo ng pagganap
na masyadong nakasandig sa katagang wala namang saysay pagkat hindi nakikita sa at nararamdaman ng katawan. Sa pag – alis ng normal na porma
ng pagsasalita, layunin ng araling ito na hasain ang ispontayo at organikong
katangian sa pagpapahayag ng mga estudyante.
Pagsasanay 1. PAGPAPAKILALA SA GIBBERISH
Proseso:
1.. ipaliwanag ang kahulugan ng gibberish. Magparinig ng
halimbawa.
Halimbawa: PIYEBARAMMONULEKGWIMYAWSILAMDE
LELEUSKRAITOBIMBAANSHEP
2.
Kung malaki ang grupo, hatiin sa dalawang bilog.
Maupo, Isa – isa, hikayatin ang mga estudyanting lumilikha ng sariling bibberish. Magdugtong – dugtong ng mga pantig. Iwasang
iahambing sa banyagang lenggwahe ( Chinese, arabic etc). bigkasin ang gibberish
ng tuloy- tuloy at hyindi pantig –
pantig.
Pagsasanay 2: KAMUSTA KA?
Proseso :
Hatiin sa pares ang grupo. Tukuyin si A at si B. magsisimula
ang pagsasanay na magkatilod ang pares. Sa katagang “telon”, maghaharap ang
dalawa at mag – uusap. Sila ay magkaibigan na matagal nang hindi nagkikita kaya
sabik na magkakwentuhan. Tatanungin ni B
si A gamit ang normal na pagssasalita. Sasagot at magkukwento si A sa paraangt
bibberish. Sa bahagi ni A, hikayatin ang malinaw na paggamit sa kilos upang
mapunan ang disbentahe ng salitang gibberish. Kailangan namang tiyakin ni B
na nauunawaan niya ang kuwento ng kapareha. Maglaan ng apat hanggang limang
minuto upang paunlarin ang improbisasyon. Magpalitan ng papel pagkatapos. Si A
naman ang magtatanong T si B ang sasagot ng gibberish.
Pagsasanay 3. “PRESS CON”
Proseso:
1.
Bumuo ng tatlong grupo at magtalaga ng sitwasyon
sa bawat isa.
Grupo A – Mga magsasaka. Minilitarisa at pinaalis sa
kanilang baryo, kinamkam ang kanilang lupa at pinagbintangang mga rebelde.
Grupo B – Mga iskwater. Dinemolish ang kanilang mga bahay.
May namatay at marami ang nasaktan.
Grupo K – Mga manggagawa. Binuwag ang kanilang piketlayn.
May namatay at marami ang nasaktan.
Magtalaga rin ng pangyayari sa bawat tauhan. Isa-isang grupo
ang pagtatanghal. Sa katagang “telon”, papasok ang grupong magtatanghal sa
entablado at ikukwento ang kanilang karanasan sa paraang gibberish. Ang grupong naghihintay ng kanilang bilang ay gaganap
bilang mga reporters na magtatanong (normal na salita) sa mga nagtatanghal.
Hindi kinakailangang isa-isa ang tanungan. Maaaring magkanya – kanya ng
tinututukang tauhan ang mga reporters o kaya’y magpalipat-lipat. Tiyaking
nauunawaan ang pahayag (gibberish)
bago tumungo sa susunod na tanong. Hikayatin ang magtatanghal na gumamit ng
malinaw na kilos at damdamin.
2.
Matapos ang lahat ng pagtatanghal, bumilog at talakayin ang mga karanasang anilahad.
Tanungin ang mga estudyante kung ano ang nakalap nilang impormasyon sa
pagtatanong.
IMBENTARYO:
Ano ang
pakiramdam sa pagsasanay 1 at 2? Naunawaan ba ang ipinahayag ng kapareha?
Ano-anu ang naging suliraninsa pagpapahayag?
Paano
inilahad ang karanasang ginampanan sa Pagsasanay 3? Naunawaan ba ang ipinahayag? Nakatulong ba
ang kilos at damdamin?
TALAKAYAN :
Gaano man ka-matlinghaga o direktang tulad ng palaso ang
wika ng mandudula, nasa Aktor pa rin ang tungkulin ng pagpapahayag kung ang
dula’y dadalhin na sa ibabaw ng entablado. Mananatiling mga salita lamang ang
mga diyalogo sa iskrip kung hindi mabibigyang buhay ng kilos at damdamin.
Tandaan na sa pagtatanghal, hindi lamang kailangang may marinig kundi dapat na
may makita at maramdaman din. Idagdag pa na hindi sa lahat ng pagkakataon ay
may diyalogong ginagamit sa eksena. Halimbawa nito ang eksenang flashback – mga eksenang pumapasok
habang nagaganap ang isa pang eksena at tumatayong siyang naglalaro sa isip ng
isang tauhan. Karaniwang wala itong diyalogo kaya’t malaki ang inaasahan sa
aktor sa paggamit ng malinaw na kilos at damdamin. Bukod sa palihan, maaari
ring gamitin ang gibberish bilang
preparasyon para sa ensayo ng isang eksena sa dula.
Aralin X.
REALISMO
Ang realismo ay isang estilo ng
pag-arte na pinalaganap ni Constantine Stanislaavski, isang rusong aktor at
guro sa teatronoong huling bahagi ng ika-19 na siglo at naging pangunahing moog
ng sining dulaaan hanggang sa kasalukuyan. Tinatawag ding “naturalismo”, ang
paaralan ng realismo ay naglalayang kamitin ang makatotohanang pagganap.
Itinuturo nito na ang pag-arte ay kailangang magmula sa paghuhubog ng aspetong
panloob (isip at damdamin ) bago ipahayag ng aspetong panlabas (aksyon at
bigkas). Sa bagay ng realismo, pinag-aralan ng aktor ang pisikal, sikolohikal,
sosyal na dimensyon ng tauhan at isinasanib ito sa kanyang sariling pagganap.
Taglay ang mga dimensyon ito, nililikha ng aktor ang katotohanan ng kanyang
tauhan at tumutulong sa iba pang aktor naa gawing kapani- paniwala ang lahat ng
sandali o eksena, sa buong panahon ng pagsasadula.
Pagsasanay 1. KONSENTRASYON AT PAGPAPAHINGALAY (relaxation)
Katumbas ng pagpapahingalay ang konsentrasyon. Hindi
tinutukoy ng pagre-laks ang pagiging kampante o walang buhay. Ang
pagpapahingalay sa entablado ay nangangahulugang naka –pokus ang aktor sa
realidad ng bawat sandali ng dula at bukas sa anomang istimulo ng naggaganap na
aksyon. Ang ganitong kondisyon ng isip at katawan ang lunsaran ng kapani-paniwalang
damdamin at kilos sa ibabaw ng tanghalan. Isa sa pangunahin suliranin ng aktor
kung siya ay nasa gitna ng pagtatanghal o ensayo ay ang tensyon. Ang
manipestasyon nito ay maaaring malikot o walang pokus na mata, pagkalimot sa
linya at blocking,mga kilos na walang layunin, pag-iisip na may nanonood at
artipisyal na pagganap. Iniiwasan ng pagpapahingalay ang tensyon. Upang maging
rekaks, kailangang may konsentrasyon.
Proseso:
1.
Bumuo mg dalawang grupo – A at B. Anyayahan ang
grupo A na tumayo lamang sa entablado nang walang ginagawa habang pinanonood ng
grupo B. Panatilihin ito sa loob ng
dalawa hanggang tatlong minuto. Hikayatin ang katahimikan sa grupo A habang
hinahayaan lamang ang anomang reaksyon ng grupo B. Magpalit ng papel ng grupo
pagkatapos. Tiyak na makakaramdam ng tensyon ang mga estudyante habang nakatayo
sa entablado sa ganitong kondisyon.
2.
Kumuha ng
papel at panulat. Hikayatin ang mga estudyante ay pakinggan ang buong paligid
at isulat ang lahat ng tunog o ingay na naririnig. Pansinin ang kagyat at di
gaanong kapansin –pansing tunog. Kung matamang nakikinig, naaabot ang isang
antas ng konsentrasyon at sa gayo’y unti- unting napapahingalay aang isip at
katawan.
3.
Gamitin ang imahinasyon. Likahin ang isang timba
ng tubig at basahan. Nangangapal ang dumi sa sahig. Gamitin ang basahan, timba
at tubig at linisan ang sahig. Gawin ito sa loob ng apat hanggang limang
minuto.
IMBENTARYO :
Ano ang pakiramdam habang nakatayo lamang sa entablado at
walang ginagawa? Habang pinapanood ng ibang estudyante? Ano ang iniisip? Ano
ang pakiramdam ng katawan habang nakikinig sa paligid? Paano tiniyak na
nakakakalap ng pinakamaraming tunog? Naka pokus ba sa ginagawa? Paano nilikha
ang mga paglilinis ng sahig? Nakikita at nararamdaman ba ang mga bagay na
likhang isip? Ano ang pakiramdam habang naglilinis ng sahig?
Pagsasanay 2. SENSE MEMORY
Ang sense memory ay ang paggamit ng limang instrumento ng ating pandama ( senses) – paningin,
paandinig, pang – amoy, panlasa, at pandama (touch) – sa lahat ng panahon ng
ating pagganap. Hindi lahat ng tao, bagay, o pangyayari ay aktwal na makikita
sa entablado. Maaaring malaking bahagi ng kaganapan ssa dula ay gagamitan ng
imahinasyon. Itinuturo ang sense memory ang pag – iimbak sa isip ng mga
sensasyon mula sa mga instrumento ng ating pandama upang likhain ang mga
katulad na reaksyon kailanman kinakailangan at sa paraang kapani-paniwala:
halimbawa sa isang eksena ng disperal sa piketlayn – ano ang itsura ng disperal
team? Ano ang tunog ng marahas na komprontasyon? Anoang amoy ng tear gas? Ano
ang lasa ng dugo sa putok na labi? Ano ang pakiramdam ng hataw ng batuta sa
katawan o tubig mula sa water cannon? Bukod sapaglikha ng makatotohanang
reaksyon, nakakatulong din sa pagpapanatili ng konsentrasyon kung ginagamit ng
aktor ang kanyang mga pandama sa lahat ng istimulo ng dula. Sa ganito’y hindi
siya nahihiwalay sa anomang nagaganap na aksyon sa entablado. Layunin ng
pagsasanay na hamunin ang mga
instrumento ng pandama ng estudyante at magluwal ng mga organikong reaksyon
mula sa ibat-ibang istimulo.
Proseso:
1.
“ mahiwagang baso at plato”. May piring sa mata,
humanap ng kopmportableng espasyo at maupo. Huminga ng ilang ulit at
magpahingalay. Sa pamamagitan ng imahinasyon, paltawin sa harap ng mata ang
isang baso. Likhain ang biswal na katangian ng baso. Sagutin sa sarili ang mga
tanong. Ano ang hugis? Ano ang laki? Ano ang kulay? May disenyo ba? Ano? Saan
gawa ang baso? Plastik ba o babasaagin?
Paikutan sa hangin ang baso. Tingnan ang ilalim, ang gilid at loob.
Malinis ba? Ano ang pakiramdam?
Idampi sa pisngi ang baso. Ano ang
pakiramdam? Malamig ba mainit? Ilapit sa tenga ang baso. Pitik – pitikin ang gilid ng baso, ang ilalim, ang loob. Ano
ang tunog bawat bahagi ng baso? May pagkakaiba ang tunog sa bawat bahagi?
Isuklob ang bunganga ng baso sa tainga. Pitik – pitikin ang baso. Ano ang
tunog? Angatin ang bahagya ang isang panig ng baso sa tainga. Pitik-pitikin.
Ano ang tunog?
Ilapit sa ilong ang baso. Ano ang
amoy ng loob ng baso? Malinis ba ang amoy? O may naunang nakalagay sa baso at
nag – iwan na amoy? Anong amoy ito?
Ilagay sa sahig ang baso. Masdan .
unti – unting nagkakaroon ng laman ang baso – malamig na orange juice ( tamang
tama ang timpla at may yelo pa! ). Kunin ang baso at bahagya munang tikman ang
juice. Ano ang lasa? Ano ang pakiramdam sa labi at dila? Sa lalamunan, patungo
sa tiyan? Sa bilanmg ng lima, inumin at ubusin ang laman ng baso. Lagyan ng
ibat ibang laman ang baso. Maging malinaw sa pagsasalarawan ng bawat laman.
-
Sukang paumbong na pigaan ng siling labuyo
-
Tubig pusali
-
Plema
Hikayatin ang mga estudyante na ubusin ang laman sa bilang
ng lima. Pansinin ang reaksyong nililikha sa bawat pag – inom.
2.
Isa pang bersyon ng pagsasanay ang paglikha ng
plato. Lagyan ng pagkain ang plato at iba ibahin ang laman habang, kumakain –
mula sa masarap na pansit ( kumpleto sa
sahog) naging bulate at uod, naging
buhok at pira – pirasong laman ng tao.
IMBENTARYO:
Ano ang pakiramdam sa
pagsasanay? Nagamit ba ang mga instrumento na pandama? Sinikap bang maging katotohanan sa palikha ng sensasyon
mula sa iba’t ibang instrumento ng pandama. Paano pinanatili ang konsentrasyon
sa pagsasanay?
Pagsasanay 3. AFFECTIVE MEMORY
Iba’t
ibang emosyon ang ipinamalas ng aktor sa dula. Higit na madali ang pagpapahayag
ng makatotohanang emosyon kung anh karanasan ng tauhan (ayon sa dula) ay
malapit sa sariling karanasan ng aktor. Gayunpaman mangangailangan pa rin ng
ibayong pagsisikap ang paglikha ng katulad na emosyon kung ang pangyayari’y
hindi aktwal at isalin na sa entablado. Lubhang mahirap naman sa kabilang
banda, kung malayo ang karanasan ng aktor sa karanasang ng tauhang kanyang
ginagampanan. Sa alinmang kalagayan, dapat makitang totoong nararamdaman ng
aktor ang emosyong sinasalamin ng
kanyang kilos at bigkas.
Hindi hinahabol ang emosyon bagkus inaanyayahang lumukob sa aktor. Magiging mababaw at mekanikal ang
pagpapahayag ng damdamin kung pipilitin ng akltor na magluwal ng emosyon gayong
hindi naman talaga niya ito nararamdaman. Ngunit maaaring natural na dumaloy
ang emosyon sa pamamagitan ng pag-pokus sa mga istimulo ng pandama at sensyong
nililikha nito. Isang manipestasyon nito ang tinatawag na affective memory.
Dito, binabalikan ng mga aktor ang isang madamdaming pangyayari sa kanyang
nakaraan at dinadala niya itosa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng sense memory,
muli niyang nilikha ang mga sangkap ng
pandama sa naturang pangyayari at hinahayaang maapektuhan ang sarili ng mga
istimulo. Sa ganito’y, maaaring muling bumalik ang natural na emosyon ng
nagdaang karanasan. Karaniwang ginagamit
ang affective memory bilang preparasyon sa isang emisyonal na eksena.
Proseso:
0.
Balik – tanaw . humanap ng komportableng espasyo
at maupo. Huminga ng ilang ulit at magpahingalay. Pumili ng isang pangyayari o
karanasan sa nakalipas na puno ng manigat na emosyon at hindi malilimutan.
Sa pamamagitan ng sense memory.
Likhain ang kabuuan ng bpangyayari at
mga sensasyon nito. Sagutin sa sarili ang sumusunod na tanong. Nasaan ka? Ano
ang itsura ng lugar? Ano – ano ang
naririnig ? ano ang pakiramdam habang naririnig ang tunog? Ano ang amoy ng
paligid? Ano ang pakiramdam ng hangin sa katawan? Mainiy ba? Malamig?
Maalinsangan? Mayroon bang lasa sa iyong dila?
Mayroon bang lasa sa inyong dila?
Ano ang iyong suot? Ano ang kulay nito? Ano
ang pakiramdam ng damit sa inyong katawan? Nakaupo ka ba? Nakatayo? Ano ang
iyong ginagawa?
Ano ang pakiramdam ng kalamanan sa iyong
ginagawa?
Sino ang iyong kasama sa lugar? Ano ang
kaniya/kanilang itsura? Ano ang itsura ng kaniya/kanilang damit? Ano ang kulay?
Ano ang kaniya/kanilang ginagawa? Ano ang itsura ng kaniya/kanilang mukha?
Sino
ang nagsasalita? Ano ang sinasabi? Ano ang pakiramdam ng tinig? Ikaw ba ang
nagsasalita? Ano ang iyong sinasabi? Ano
ang itsura ng mukha ng nagsasalita? Ng sinasabihan? Ano ang ginagawa habang
nagsasalita? Dalhin da kasalukuyan ang pangyayari. Ang pangyayari ay nagaganap
ngayon . kung nakikita ng instruktor na dumadaloy na ang emosyon, hikayatin ang
estudyante na magsasalita o kumilos ayon sa nagaganap. Tiyaking sapat ng
espasyo sa pagitan ng mga estudyante.
Dahil sa madamdaming katangian ng pagsasanay, may mga estudyanteng
maaaring madala ng husto at hindi makapagpigil sa emosyon. Iwasan ang masyadong
pisikal at marahas na aksyon na maaaring makasakit sa sarili o kapwa estudyante. Tapusin ang
pagsasanay na pamamagitan ng pagpapahingalay.
IMBENTARYO:
Nilikha ba ang mga istimulong pandama ng
pangyayari? Paano? Ano ang pakiramdam habang isa-isang binubuo ang mga istimulo
ng pangyayari? May pagbabago bang nararamdaman sa katawan habang ginagawa ito? Sa damdamin? Nalikha
ba ang mga sensasyon ng istimulo? Paano
naapektuhan nito ang emosyon? Nagawa bang padaluyin ang emosyon? Kung, hindi,
bakit? Anoang pagiging suliranin sa konsentrasyon, paano ito ibinalaik? Paano
dinala sa kasalukuyan ang pangyayari? Ano ang naramdaman nang nagsimulang magsalita? Nagawa bang panatilihin ang
istimulo at sensasyon nito habang nagsasalita?
Pagsasanay 4. SUBTEKSTO (subtext)
Ang subteksto ay tumutukoy sa layunin ng
mga salita o pangungusap sa iskrip. Kungano
ang damdamin at ideyang nais ipahayag ng linya ng tauhan. Importanteng
alam ng aktor ang subteksto sapagkat ito ang nagpapalalim sa pagkakaunawa ng
personalidad at layunin ng mga tauhan. Bukod dito, nalalaman ng aktor sa
pamamagitan ng subteksto kung paano dapat bigkasin ang mga salita ng tauhan.
Tumutulong din ito sa higit ng paglilinaw ng kuwento ng tula ( bukod sa mga
direksyong isinusulat ng mandudula sa
iskrip ). Sa madaling salita, makukuha ang subteksto sa pamamagitan ng tanong na:
bakit sinabi ng tauhan ang linyang ito? Narito ang isang simpleng pagsasanaysay
sa subteskto bagaman isa-isang salita lamang
ang ginagamit at hindi iskrip, layunin ng pagsasanay na ipakilala ang
subteksto sa pamamagitan ng paglapat nito sa mga salitang “mukhang”
abtrakto at hiwa-hiwalay.
Proseso:
1.
Ano’ng saysay? Hatiin sa pares ang grupo. Isulat
sa pisara ang sumusunod na sa salita:
-
Bakit
-
Kasi
-
Ikaw lang
-
Oo
-
Paano
-
Sandali
-
Baka
-
Ano
-
Ayoko
-
Pero
-
Bahala na
2.
Bumuo ng isang eksena sa pamamagitan ng
pagbibigay kahulugan at damdamin sa mga salita. Ang bawat salita ay isang
linya. Tukuyin ang “saan” at “sino”. Lagyan ng simula, gitna at wakas nmg
kuwento. Punan ng malinaw at kinakailangan kilos ang kakulangan ng mga salita.
Sikapang maging makatotohanan sa emosyon. Hindi kinakailangang salitan ang
pagtatalaga ni¥Á□5@□□□o□□□□□□□□□□□□□□□□Gv□□□b□□□□□□□b□□□b□□□□□□□b□□□□□□□₂□□□□□□□₂□□□□□□□₂□□□□□□□□□□□□□□□ᴁ□□□□□□□Ś□□□□□□□Ś□□□/□g
bawat salitang ginagamit? Nakatulong ba ang damdamin ng pagbigkas? Ang
kilos? Malinaw ba ang mga tauhan? Ang mga pangyayari sa kuwento?
Pagsasanay 5. KATAUHAN AT
AKSYON ( being and doing )
Isang kilalang kawikaang Ingles
sa dulaan “willing suspension of
disbelief”. Ito ay penomenon ng realistikong pagsasadula kung saan
mistulang naglalaho ang ilusyon
ng entablado at ng mga manonood ay
nagiging bahagi ng ganapang kanilang minamalas. Naaatig sila sa bawat pangyayari.
Nadarama nila ang kanilang emosyon ng mga tauhan . tumatawa sila, nanghihilakbot,
umiiyak o kaya’y nagmumura.
Pangunahin ang papel ng aktor sa paglikha ng ganitong kalagayan. Dito’y
malaki ang maitutulong ng pagsasanay ng tauhan at aksyon o being and doing. Sinasabi ng prinsipyong ito na dapat taglay ng
aktor ang kataohan ng karakter (being) .Dahil dito, ang kanyang aksyon ay batay sa katangian ng kanyang ginagampanan at ayon
sa relasyon nito sa iba pang tauhan (doing)
. hinahayaan din ng aktor na tangayin siya ng mga kaganapan ng dula. Layunin ng
pagsasanay na ito na italaga ang estudyante bilang opangunahing tauhan at
ilagay siya sa sitwasyong hihimok sa
kanya na kumilos ayon dito.
Proseso:
1.
Ang
Mababang Paglalakbay. Pagsama-samahin ang mga estudyantesa isang makitid na
espasyo sa gitna ng entablado. Naka-piring ang mata. Maglalahad ng instruktor
ng isang kuwento at kikilos ang mga estudyante ayon sa nga sitwasyong
mababanggit. Gamitin ang konsentrasyong at imahinasyon. Hikayatin ang organikong reaksyon sa mga istimulo ng kuwento. Nariyo
ang balangkas ng kuwento:
sama-sama sa ating bangka, naglalakbay sa gitna ng laot→
hinampas ng malakas na daluyong at nasira ang bangka→
hinabol
ng pating→ nawalan ng malay at nagising sa pangpang
→pumasok sa gubat→kumain ng bungangkahoy,uminom sa
bukal→nagpahinga sa ilalim ng puno→nilingkis ng lawa
→ nagtatakbo at nahulog sa kumunoy →nakaligtas ,
ginapangan ng hantik sa buong
katawan → pumutok ang bulkan,
nasususnog
ang kagubatan.
Tiyaking grapiko at malinaw ang paglalahad. Gamitin ang sense memory. Mapaghingalay pagkatapos.
2.
Interrogasyon.
Maaaring siunod ang pagsasanay na ito matapos ang “Mahabang Paglalakbay”.
Hanapin ng kani-kaniyang espasyo ang mga estudynte. Iposisyon nang nakaluhod at
paghugpungin ang mga biosig sa likod na parang nakatali. Ang mga estudyante ay
naganap bilang mga inaakusahang rebelde. Sila ay kinidnap at dianala sa
isangsilid – sa isang lugar na hindi nila alam
kung saan. Mahigpit ang pagkakatalisa kanilang mga kamay at paa kaya’t
hindi sila makakilos anomang papupumilit ang gawin. Walang katiyakan ang
kanilang kaligtasan. Mabalasik ang amoy ng kamatayn sa loob ng silid.
Ang instruktor ay gaganap bilang militar na siyang
nagtatanong. Sikaping maaaring ang mga estudyante sa enterogasyon. Ang layunin
niya ay paaminin ang mga bihag sa
bintang na rebelyon. Sabihing may
nakatutok na baril sa batok ng bihag at anomang sandali ay maaarin utasin ang
kanilang buhay. Kailangang rumupok ang pagsasanay sa hiyaw ng galit at
pagtanggi. Sa bilang ng sampu, kailangang isigaw ng bihag ang nilalaman ng
kanilang dibdib sapagkat matapos ang bilang ay kakalibitin na ang gatilyo.
Magpahingalay pagkatapos
IMBENTARYO
Sa unang bersyon ng pagsasanay, paano nalikha ang katotohanan ng
sitwasyong? Nagamit ba ang imahinasyon?
Ang konsentrasyon? Ang sense memory? Ano ang naramdaman habang
umuusod ang kuwento? Naapiktohan ba ang
mga istimulo? Sa ikalawang bersyon, naramdaman ba ang katotohanan ng
tauhan? Nang sistwasyong
kinalalagyan? Napaunlad ba ang tauhan?
Paano? Nakarating ba sa rurok ng damdamin? Anu-ano ang mga naging suliranin ng
pagsasanay?
TALAKAYAN
Sa lahat ng panahon sinisikap
nating tiyaking realistikong ang ating pagganap.
Tungkulin natin ito hindi lamang
sa dula kundi lalo’t higit sa mga manonood. Ang mga pagsasanay sa araling ito ay hindi lamang maggamit sa
palihan kundi saasman at kailanman may
pangangailangang magbuo ng pagtatanghal. Gayundin ilan lamang ang mga pagsasanay
na ito sa marami pang pagsasanay na tumutulong
sa pagkakamit ng realismo. Halimbawa nito ang pagsasanay sa
enternalisasyon , karakterisasyon, pagtukoy ng layunin ng tauhan, ensemble, at sense study. Makukuha ang mga araling ito sa abanseng yugto ng palihan
sa pag-arte sa dulaan.
Aralin XI .
ANG ENTABLADO
Anomang lugar o erya na may
takdang perimetro at kung saan may nagaganap
Na pagtatanghalo aksyon ay
maaaring maging entablado. Sa ganitong pangkahulugan, maaarang magdaos ng
pagtatanghal kahit-sa lansangan, palenke, plasa, bukid, hanggang sa
kabundukan. Kung tutuusi’y kahit saas man naroroon ang samang pinagmulan at pinag-aalayan natin ng dula. Kaiba ito sa burges na dulaan , kung saan ang entablado ay
tumutukoy sa malaki at magarang
bulwagan at mapapasok lamang kung
makakabili ng tiket. Ang entablado ng maka-uirng dulaan ay dapat abot at
bukas sa masa salaht ng pagkakataon
sapagkat naniniwala tayo sa prinsipyo na ang dula ay mula sa kanila at tungo
sa kanila.
|
A.MGA URI NG ENTABLADO
Ang entablado ay inuuri aayon sa
pagkaka-ayos o pwesto ng mga manonood.
May tatlong uri ng entablado na karaniwang ginagamit : Prosensyo (proscenium
stage) , entabladong nakabilog (arena
stge o theater-in-the-round),at entabladong nakatulos (thrust stgae),
LARAWAN #6:
PROSENYO
LARAWAN #7: ENTABLADONG NAKABILOG
LARAWAN #8: ENTABLADONG NAKATULOS
B.MGA BAHAGI NG
ENTABLADO
Malaking porsyento ng blocking (tingnan
ang akatlong bahagi ng araling ito) ng aktor ay may kaugnayan sa paggamit ng
mga bahagi ng entablado. Kailangan ang pamilyarisasyon sa iba’t ibang erya ng tanghalan.
1.
PROSENYO
Hinahati sa dalawa ang paktutukoy sa bahagi ng tanghalang prosenyo:
Pangkalahatan at partikular.
A.
Pangkalahatang bahagi
1.
Kanan(stage right)—ang bahagi ng entablado sa
kanan ng aktor habang nakaharap sa manonood.
2.
Kaliwa (stage left) – ang bahag ng entablado sa
kaliwa ng aktor habang nakaharap sa manonood.
3.
Ibaba (downstage)—ang bahaging pinakamalapit sa
manonood.
4.
Itaaas (upstage) – ang bahaging pinakamalayo sa
manonood
B.
Partikular na bahagi
May siyam na partikular na bahagi
ang tanghalang prosenyo. Tingnan ang
larawan #9
|
|
|
UR
CR
|
UC
CC
|
UL
CL
|
DR DC DL
•
• • •
• • •
• • •
• • •
• • • MANONOOD•
• • • •
• • • • • • • • • • • • •
Kahulugan ng abbreyiations: UR – upper right; UC – upper center:
UL – upper left; CR – center
right; CC – center center; CL – center left;
DR- down right; DC- down center; DL
– down left;.
Ang pinakamalakas na bahagi ng tanghalang
proscenium ay gitna at ibaba ng entablado, dahil sa ito ang bahaging higit na
pabor sa manonood, dito karaniwang ginaganap ang mga eksenang dramatiko,
sukdulan o monologo. Kinikilala namang pinakamahinang lugar ang bahaging itaas
sapagkat ito ang eryang palayo samanonood. Datapwa’t hindi sinasabing ito’y
walang saysay. Sa bahaging ito malimit inilalagay ang mga tagpong sekondaryo
ang halaga. Mahalaga ang pasasaalang-alang ng kalikasan at kahinaan ng mga
bahagi ng tanghalang prosenyo upang mabigyan ng kinakailangang pokus ang ibat
ibang tagpo ng dula. Ginagamit naman ang mga abbreviations ng partikular na
bahagi ng entablado sa ensayo ng blocking dula. Hiklayatin ang mga estudyante
na memoryahin ito.
0. ENTABLADONG
NAKABILOG
Sapagkat nakapalibot
ang mga manonood sa entabladong nakabilog isinasaalang-alang ang pwestong pabor
sa lahat ng panig ng entablado. Walang
masasabing kombenasyon ang aren, kaiba sa tanghalang prosenyo. Halimbawa, kung
iniiwasan ang pagtalikod (o matagal na pagtalikod)ang aktor sa manonood sa
prosenyo, ang aktor sa arena ay kapwa nakaharap o nakatalikod sa isang panig ng
manonood. Dalawa ang paraang maaaring gamitin sa paghahati ng entabladong
nakabilog sa mga bahagi:
Paghambing sa numero
ng orasan o paghambing ng direksyon sa compass. Tingnan ang larawan #10.
NW
N NE
W
C E
|
ORASAN
COMPASS
LARAWANAN #10 PARAANG PAGBABAHAGING ENTABLADLONG
NAKABILOG
2.ENTABLADONG
NAKATULOS
Dahil sa
taglay ng entabladong ito kailangan ng tanghalan prosenyo at entabladong
nakabilog, ang pagsasaalang – alang ng mga bahagi nito ay kombinasyon din ng
dalawa. Maaaring gamitin ang paraan ng paghahati saa prosenyo ngunit
kinikilalalng kapa malakas ang itaas at ibabang bahagi nito. At tulad ng sa
arena, kailangang pumabor din ang pwesto ng aktor sa kaliwa at kanang panig ng
manonood bukod sa harapan n entablado. Maituturing na pinakamalakas na bahagi
ng entabladong nakatulos ang gitnang –gitna (center –center).
K. BLOCKING
Ang
blocking ay tumutukoy sa pagkakaayos ng mga puwesto at tulos ng mga aktor nang
may kaugnay sa ibaa’t ibang erya ng entablado. Tumutulong ito sa paglalahad ng
kuwento at pagpapaunlad ng aksyon , karakterisasyon at timpla (mood) ng mga
tagpo ng dula. Bukod sa paggamit ng mga bahagi ng entaablado, kabilang din sa
pagsasagawa ng blocking ang iba’t ibang posisyon ng katawaan ng aktor.
Datapwa’t ang mga posisyong ito ay karinawang ginagamit sa tanghalang prosenyo.
Tingnan ang laerawan # 11.
No comments:
Post a Comment